"Argh!!!!! This is not you Julia, what happened to you?! What were you thinking?Nasaan yung Julia na very controlled when it comes to her emotions?"
Panenermon ni Julia sa kanyang sarili habang pabalik sa kanyang tent.
"e kese nge negseseles"
singit ng kabila nyang isip.
"and why would i be jealous?!"
wala sa katinuang pag sagot ni Julia at napalakas ang kanyang nasabi dahilan para tumingin sa kanya ang ibang staff. Namula sya sa kanyang ginawa at nag 'sign of peace' sa mga nakakita.
"Oh, kanino ka nagseselos?
Ronnie went out from the tent and over heard what Julia said.
"No, no, no I am not. Uhm... I am... Im just practing my lines. You know, practice makes perfect."
Agad na pagdadahilan ng dalaga para makarecover sa kanyang pagkabigla.
"I've read your script inside the tent, wala naman akong nakitang ganun lines"
Hindi kumbinsidong wika ni Ronnie. Lumapit pa ito ng maigi para matitigan si Julia.
"Haha.. try harder Juls, you're not a good liar, come on spill it"
Tinignan maigi ni Julia si Ronnie. Sinusukat kung kaya nya bang pagkatiwalaan ang kaibigan. Sa totoo lang, nahihirapan na sya sa kanyang sitwasyon at wala pa syang masabihan ng problema. Hindi pa nya masabi sa kanyang ina, kapatid at malapit na kaibigan ang pinagdadaanan dahil sya mismo nalilito pa din sya sa kanyang nararamdaman.
Julia sigh and look at Ronnie straight in the eye.
"Im gonna tell you something, but promise me no one will know this things. I'll wring your neck kapag may naka alam nito"
Napaka sweet na pagbabanta ni Julia sa kausap. Napalunok na lamang si Ronnie sa sinabi ng dalaga. Tumango si Ronnie bilang sagot at pumasok sila sa tent at doon nagkwento ang dalaga.
"So.... mahal mo na?"
Seryosong tanong ni Ronnie.
"No. not just yet, I don't know.... maybe I am just attracted to him? or maybe natutuwa lang ako sa kanya.... sa pagkatao nya... You know what...I just really don't know."
litong wika ni Julia sa kaharap. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ronnie sa kanyang mga nalaman.
"Deep inside your heart, alam mo kung anong sagot sa mga tanong mo. The truth is, you're just denying it. Isn't fair to the guy na walang ka alam alam sa nangyayari tapos you're giving him a cold treatment?"
"I know.. kaya nga I want to make it up to him"
"Then go ahead, baka maunahan ka pa, nakita ko may bisita kanina, ex nya ata yun e, ganda din"
Pang aasar ni Ronnie sa kaharap na ikinainis naman ng dalaga dahilan para hampasin ang kaibigan.
"but thank you Ronnie for listening, medyo gumaan yung pakiramdam ko. May sense ka din pala kausap noh.?Hahahaha joke lang"
"Grabe ka sakin... anyway if you need help or you need someone to talk to, you know Im always here"
Nagpasalamat muli si Julia at nagpaalam na kay Ronnie dahil tinatawag na sya ng kanyang make up artist.
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ni Ronnie habang nakatitig sa kanyang cellphone.
Sometimes, you don't want to know the truth to prevent yourself from hurting...
umani agad ng likes at comments ang naging tweet ng binata.
Unti unting lumalapit ang kanilang mga muka. parang tambol ang lumilikha ng malakas na tunog sa kanyang dibdib. Kitang kita nito ang mga matang nakatitig sa kanya. Mga matang punong puno ng emosyon. Mga matang pilit nyang iniiwasan sa mga nag daang araw sa tuwing ito ay tatama sakanya. Mga matang na miss nya.....
awkward.
"CUT!! Guys 20 minutes break. Joshua at Julia kausapin ko kayo sandali"
wika ni Direk Ted sa dalawa at naglakad patungo sa isang kwarto. Agad sumunod ang dalawa.
Tahimik na pinagmamasdan ng direktor sila Joshua at Julia.
"What's the problem between the two of you? You guys are not focusing for the past week. Do you have issues sa isa't isa?"
Mahinahong pagtatanong ni direk ted subalit kakakitaan ang pagkadismaya sa kanyang muka.
"Wala naman po akong problema Direk sa kahit kanino. Hindi ko lang po alam sa kanya."
sagot ni Joshua at tumingin kay Julia.
"Me too direk. wala naman po"
nakatungong wika ni Julia habang nilalaro ang kanyang mga kamay.
"Ok. ganito nalang. You have this room para mag usap. Hindi kayo lalabas dito hanggang hindi kayo nakakapag ayos. Is that clear?"
Direk instructed the two to talk about their problem. Alam nyang may hindi pagkakaunawaan ang mga ito. Hindi makapagdeliver ng tamang emosyon sa mga scene ang dalawa na alam na naman niyang imposible dahil magagaling na mga aktor si Julia at Joshua.
tanging tungo lamang ang naisagot ng dalawa.
Itutuloy..... promise ✌🏻️