16

1K 15 16
                                    

"Na gusto kita"









Ilang segundo ang lumipas bago nag sink in kay Julia ang mga sinabi ni Joshua. Makailang beses syang kumurap para mapatunayan na hindi sya na nanaginip sa mga oras na iyon. Hinintay pa nya ang magiging punch line ng binata dahil baka nagbibiro na naman ito na madalas gawin sa kanya. Nakatingin lamang sya kay Joshua at hindi alam ang gagawin.







"Ang sabi ko gusto kita"

Pag uulit ni Joshua sa kaharap. Napansin nya na parang hindi nito narinig ang unang sinabi. Hinawakan  pa nya ang balikat ni Julia para galawin dahil parang hindi na ito kumilos.










"Ang sabi ko gusto kita"

"gusto kita"

"gusto kita"

"gusto kita"

Parang nagmistulang alingangaw sa pandinig ni Julia ang mga sinabi ni Joshua. Sobrang lakas ang tibok ng kanyang puso. Gusto nyang magtatalon at tumili sa kompirmasyon na kanyang natanggap. Halos hindi sya makahinga. Masaya sya dahil ang taong gusto nya ay gusto din pala sya. Dumaan ang isang minuto bago sya maka balik sa kanyang katinuan.

Julia: Josh.....
Joshua: Alam ko Julia.... Gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko.... Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga taong may gusto din sayo. Darating ang araw na matatapos tong project na ginagawa natin at hindi ko alam kung may susunod pa dito kaya gusto kong malaman mo kung ano yung nararamdaman ko... kasi iyon ang totoo.

Mula sa kinatatayuan ng binata, humakbang pa ito ng ilang beses para makalapit sa dalaga at hinawakan ang mga kamay nito.

Joshua: Tutuparin ko yung pinag usapan natin na mag focus muna tayo sa trabaho na binibigay sa atin. Masaya ako sa estado ng pag kakaibigan na meron tayo at pahahalagahan ko iyon ng buong puso.

Julia: Josh--

Joshua: Sshhh. It's ok Juls hindi mo kailangan magpaliwanag, naiintindihan ko kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin at masaya na ako doon... Sige na pumasok kana sa loob. lumalamig na dito sa labas aalis na din ako. Thank you for tonight.

Masayang pag papaalam ni Joshua sa dalaga. Nang makita nyang papasok na sa gate si Julia ay tuluyan na syang sumakay sa kanyang sasakyan at umalis.

Gusto ko din sabihin na gusto kita, ni hindi mo man lang ako pinagsalita.

Sagot ni Julia ng makita nyang umalis na ang sasakyan ni Joshua. Tuluyan na syang pumasok sa bahay at masayang sinalubong ang kanyang pamilya na naghihintay pala sa kanya.








Tahimik na nagdadrive pauwi si Joshua. Naka kunot ang uno at seryosong nakatingin sa daan.

MASAYA SYA.












Yan ang dapat na nararamdaman nya subalit kabaligtaran ito sa kanyang nararamdaman. Hindi sya nag sisisi sa mga salita na binitawan nya kanina kay Julia.  

Nagseselos ka na naman

Puna nya sa kanyang sarili. Pilit nya iwinawaksi ang mga kaganapan sa party kanina pero patuloy itong sumisiksik sa kanyang isipan:


Joshua: Juls sige na tapos naman na yung picture taking at alam kong gusto mong puntahan ang mga kaibigan mo, pupunta din ako kila Maris mamaya ulit tayo magkita.

Julia: That is so nice of you Josh. Sige I'll just talk to Liza then itetext kita. Ikaw din mag enjoy ka. See you later.

Masayang pagpapaalam ni Julia kay Joshua. Alam ng binata na maraming kaibigan si Julia at sanay itong makipagusap sa kanila kaya minabuti muna nyang hayaan mag saya ito sa piling ng mga kaibigan nya. Napagpasyahan din nyang puntahan ang mga kaibigan nya sa PBB at makipagkwentuhan sa mga ito.

Fifth: Oh look who's here guys!! The promising star JOSHUA GARCIA!!! Taray friend ibang level...

Masayang bati ng kanyang kaibigan na si Fifth habang papalapit sya sa mga ito.

Joshua: Haha baliw. Na miss ko kayo.
Fourth: Oh asan na yung date mo? Iba ka  tol Julia Barretto yun! Bangis mo pare.
Joshua: Magkapatid nga talaga kayo ni Fifth parehas mag isip. haha. Kausap ni Julia mga kaibigan nya kaya hinayaan ko muna.
Loisa: Akala ko dededmahin mo kami ngayon. Sisipain talaga kita sa lungs kapag nagkataon.
Maris: Sus selos ka naman agad dyan. Haha aarrayy Loisa!!!
Joshua: Magsitigil nga kayo!! For the record, pinuntahan ko kayo ok. At hindi naman pwedeng dedmahin ko kayo porket kasama ko si Julia.
Vickie: So how was it working with Julia Barretto? Is she intimidating?
Joshua: Noong una oo, pero kapag nakilala mo na mabait talaga. Diba Maris?
Maris: Oo kaya ka nga nainlove e -- Aray ko naman Joshua!! Napaka mapanakit nyo sakin ngayon.. huhu
Fifth: Hey Josh oh look at your date. ang sosyal talaga noh. How can you keep up with her? Just a reminder, you have to have a lot of savings. Mukang high maintenance.
Maris: Hoy sira ulo ka lasing ka na talaga. Mga pinagsasabi mo.. Don't mind him Joshua inggit lang yan kasi walang lovelife.

Napangiti nalamang si Joshua sa kakulitan ng mga kaibigan. Napaisip din sya sa mga binitawan ni Fifth na mga salita.

Papunta ng banyo si Joshua bago magtungo kay Julia dahil nag text na ito sa kanya. Habang papasok sa nakaawang na pinto ng banyo, narinig nya ang usapan ng dalawang lalaki.

"Beautiful ladies are here. I really like Julia B. She so damn beautiful"

"Yeah, too bad may ka date tonight"

"Huh, that's only for publicity! Bro I'll pursue her and I bet you she will be mine"

"Haha then let me try also, may the best man wins"


Nagtago si Joshua sa isang sulok ng marinig nya na palabas na ito ng banyo at nakita nya ang mga nag mamay ari ng boses. Hindi nya maiwasan na mapanghinaan ng loob sa laki ng agwat ng estado nya kay Julia. Unti unti syang kinakain ng insecurities nya. Nagtungo na sya kung nasaan si Julia at naabutan nito na masayang nakikipag usap ito kay Ronnie. Kaibigan nya si Ronnie at nakikita nya na mabait itong tao. Alam din nya na gusto nito si Julia kaya mas nadadagdagan ang selos na kanyang nararamdaman.






Napabuntong hininga na lamang si Joshua ng maalala ang mga pangyayari kanina. Kinuha nya ang kanyang telepono at nag dial ng numero.

"Punta ko dyan sa bahay nyo hindi pa ko inaantok e"

Agad nyang binaba ang telepono at nag iba ng direksyon ng pagmamaneho.

Green Hearts Where stories live. Discover now