very much excited for #JoshLiaMovie2017 let's support them 🤘💚
"Ay taray hinatid ni boyfie!! Hi Joshua"
bungad na bati Dani nang makita ang dalawa papasok sa kanilang tahanan."Hi Dani kamusta ka?"
bati naman ni Joshua sa nakatatandang kapatid ni Julia.
"Eto ok naman namimiss ka, lagi nga kita iniisip---- ouch!! You're so possessive my dear sister nag jojoke lang e"
Iritang saad ni Dani habang hawak ang kanyang buhok na hinila ni Julia.
"Please give us something to eat, Im hungry"
Patay malisyang sagot ni Julia sabay upo sa kanilang dining table.
"Wow talagang inutusan mo pa ko. You're really such a brat Ju"
"Shawn Mendes tix or dinner?"
Julia asked Dani.
"So what do you want for dinner? Steak? Salmon? Name it guys I can cook"
"HAHAHA!! Oh akala ko ba bratty ako?"
"Ikaw naman hindi ka mabiro. I love you forever Duduy! Joshua sit here. I'll cook for you"
Masayang saad ni Dani at dumiretso na sa fridge to prepare the ingredients.
Aliw na pinagmamasdan ni Joshua ang bangayan ng magkapatid. How he wished he had that kind of bonding with his siblings.
He smiled when Dani ask her to join them.Awkwardness is starting to fill in between Joshua and Julia. Julia doesn't know how to start the conversation pagkatapos ng mga nangyari kanina. Nag iisip sya ng mga bagay na pwede nilang pag usapan habang hinihintay ang pagbalik ni Dani. Tahimik naman na nakatingin lamang si Joshua sa dalaga. Pinagmamasdan nya ang magandang muka ng kaharap na lalo naman ikina ilang ng dalaga.
"Hey don't start with me Josh. Hindi pa tayo ayos. May atraso ka pa sakin"
"Ha? Ano naman ginawa ko sayo? Nananahimik na nga lang ako dito e"
"Tsk stop staring me like that Joshua Garcia"
"Napapagod ka ba kapag sinasabihan kang maganda?"
"What?! Haha why would I? It so flattering kaya."
"Lahat ng tao, mga kakilala ko or kaibigan ko or sa social medias, ang sabi nila ang swerte ko daw kasi napartner ako sayo. At totoo yun I am very lucky to know you more especially off-cam"
"At talagang bumabawi ka ah. Ikaw naman napaka bolero mo. Pa fall ka din e"
Namumulang sagot ni Julia trying to regain herself from what Joshua had said.
"Hindi totoo yun ah. Honest lang talaga ak-"
Naputol ang sasabihin ni joshua ng tumunog ang kanyang telepono na nakapatong sa mesa. Sabay silang napatingin sa telepono. Nagkaroon na naman ng tensyon ng makita nila ang tumatawag.
Loisa Andalio's calling.....
"See? I told you bolero ka talaga. Sige na sagutin mo na baka importante yan"
Tumayo na si Julia sa kanyang kinauupuan at aalis na nang pigilan sya ni Joshua.
"Hey wait lang naman Ju! Saglit lang to kakausapin ko lang...Please stay"
Seryosong sambit ni Joshua at nakumbinsi naman si Julia na manatili sa kanyang pwesto.
Sobrang lalim ng buntong hininga ni Joshua bago sagutin ang tawag. Nag sisimula na naman syang pawisin dala marahil sa tindi ng pagkakatitig sa kanya ni Julia.
Joshua: Hello? Hello Loisa napatawag ka?
Loisa: Ay wow ang pormal mo naman kung makasagot dyan.
Joshua: Baliw! Bakit nga may kailangan ka ba?
Loisa: Wala naman. Nawala ka kasi bigla sa GC. Nasaan ka ba? Labas naman tayo nila Maris. Birthday ngayon ni Fourth and Fifth kanina pa nangungulit punta daw tayo.
Joshua: Ah e anong oras ba yan?
Loisa: Later tonight sa the Fort.
Joshua: Sige titignan ko pero hindi ako sigurado. Sige na bye. May date ako ngayon baka kainin na ko ng buhay nitong nasa harap ko.
Loisa: Ay kasama mo ba si Julia? Sorry. Text kanalang kung pupunta ka. Bye.Mabilisan ibinulsa ni Joshua ang telepono sabay punas ng kanyang pawis. Nakita nya ang kunot noong muka ni Julia na nakatingin pa din sa kanya.
"Oh jelly na naman ang baby ko-- aray hindi na.. oy masakit yan ah....huwag yung vase!"
Halos tumakbo na si Joshua ng makita nyang hawak ni Julia ang vase at aakmang ibabato sa kanya.
"Hey guys what's happening here? Hi joshua nandito ka pala."
"Hi Tita Marj good evening po.. Nagkakatuwaan lang po kami ng anak nyo. Ang sweet po nya infairness"
Balik na bati ng binata sa ina ni Julia.
"Hey Julia put it down. Sa abroad ko pa binili yang vase na yan!!"
Saway ni Marjorie ng madatnan nya si Julia na hawak ng vase na binili pa nya sa amerika.
"PEOPLE DINNER IS READY!! I made this out of pure love so please enjoy it"
Natigil ang lahat ng mag hain na si Dani ng Steak at Grilled Salmon. Nagsasalo sila sa masarap ng pagkain niluto ni Dani.
Panay ang kwentuhan ng pamilya barretto at ni Joshua habang kumakain. Ikinuwento ni Joshua ang buhay nya bago pa sya sumali sa PBB. Tuwang tuwa naman nakikinig sa kanya ang lahat. Maya't maya ang mga tanong sa kanya kung paano sya lumaki sa simbahan kasama ang tiyuhin nyang pari. Natapos ang dinner ay napag pasyahan ng umuwi ni Joshua dahil mag gagabi na din kaya minabuti na nyang magpa alam. Ipinatawag na ni Julia ang driver na maghahatid sa binata. Minabuti na din nyang ihatid si Joshua pasakay sa sasakyan. Nakapag paalam na din si Joshua kay Dani at sa mga kapatid nito. Sumakay na ng sasakyan ang binata ng biglang kumaway si Julia tanda na may sasabihin ito kaya ibinababa nya ang salamin ng bintana."JOSHUA I DON'T LIKE TO SHARE WITH OTHER GIRLS SO PLEASE BEHAVE"
Sigaw ni Julia at dirediretsong pumasok sa loob ng bahay. Naka iwang naka nganga ang binata pagkatapos marinig ang sinabi ni Julia