6

932 13 1
                                    

(Author's Note: Hi 😀 I won't be able to update next week so advance ko na tong ginawa. I hope you enjoy 🤘)

















Dalawang buwan ang lumipas, nagpatuloy ang ginagawang pelikula ni Joshua kasabay ang teleserye na kanyang kinabibilingan at variety show tuwing linggo. Sunod sunod ang biyaya na natatanggap ng binata kaya naman lubos syang nagpapasalamat sa mga tinatamasa nya ngayon.

"Isa Joshua tumigil ka na please".

Konsumidong saad ni Julia habang hinahampas si Joshua. Patuloy kasi ang pang aasar ng binata mula pa kaninang umaga".

"Hahaha hindi na, hindi na...Aray naman!".

Natatawang saad ni Joshua habang hinihimas ang kanyang namumulang braso. Kanina pa nya pinagdidiskitahan ang malusog na pisngi ng dalaga. Maya't maya nya itong pinipisil kaya naman walang humpay na hampas at kurot ang kanyang natatanggap mula kay Julia.

Simula ng nangyaring kaganapan sa bar, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Tuluyan nawala ang pagkamahiyain ni Joshua at sa tulong na din ng kanyang kaibigang si Maris na palaging nagtutulak sa kanya na kausapin si Julia.

"Ayan na naman kayo, ganyan ganyan nagkatuluyan ang lola't lolo ko".

Aliw na baling ni Direk Ted sa dalawang alaga. Hindi maitatanggi na natutuwa ang direktor sa mga ito dahil nakikita nya ang natural na "chemistry" sa kanila.

"Direk si Joshua oh, kanina pa yan.

Sumbong ni Julia na tila naiinis na kay Joshua. Upang makabawi, isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga.








Kanina mo pa ko inaasar. MAY CRUSH KA SIGURO SAKIN?".

Walang prenong tanong ng dalaga na direktang nakatingin kay Joshua. Nakuha na din nila ang atensyon ng ibang staff at katrabaho na nag aabang sa magiging sagot ng binata.









































"Kung sasabihin kong oo anong gagawin mo?".

Lakas loob na sagot ng binata na seryosong nakatingin sa kanya. Nabigla sya sa naging tanong ng dalaga.

Napuno ng hiyawan sa paligid. Makikitang naghahampasan ang mga staff sa mga kaganapan at nag hihintay sa magiging reaksyon ni Julia.












Makalipas ang isang segundo......



Dalawang segundo......




Tatlo.....








"Chos"




Bawing biro ni Joshua sabayan ng walang humpay na tawa. Nabitin ang lahat sa kaganapan at tila nag aabang sa susunod na eksena.

Pinangunahan na naman si Joshua ng kaba at natatakot sa magiging sagot ng dalaga kaya minabuti nyang bawiin ang naunang pahayag.

Maliliit na ngiti lamang ang naging tugon ni Julia. Tuluyan na itong tumayo sa kinauupuan para bumalik sa kanyang pwesto.


"Duwag"

Bulong ni Maris kay Joshua ng dumaan ito sa harapan nya. Tila dismayado ang kaibigan sa naging kilos nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Joshua at tuluyan na din umalis dahil magsisimula na ang eksena.









Nagpatuloy ang kanilang trabaho. Naging focus si Julia at hindi binibigyang pansin ang pag papa cute ni Joshua na ikinabahala naman ng binata.


"Julia kain tayo may alam akong masarap na resto sa tomas morato"

Pag ayaya ni Joshua sa dalaga. Napansin nya na tila hindi sya nito pinapansin pagkatapos ng asaran nila kanina.

"Next time nalang Josh, Ronnie invited me already e".

Ngiting pagtanggi ni Julia sa alok ng binata.
Naghihintay naman ang binata na alukin sya na sumama sa kanila ni Ronnie. Madalas pinipilit ni Julia na sumama si Joshua at Maris kapag nag aayang lumabas si Ronnie ngunit tila wala itong balak mag aya at dirediretsong lumabas ng kwarto.

"Sige next time Julia. Ingat ka".

Pahabol na paalam ni Joshua kay Julia. Tinaas lamang ni Julia ang kanyang kanang kamay para magpaalam at hindi na lumingon pa kay Joshua.



Bagsak ang balikat na bumalik si Joshua sa kanyang kwarto. Labis na pagtataka at pagkalito ang tumatakbo sa kangyang isipan sa mga oras na iyon.

Green Hearts Where stories live. Discover now