21

1.1K 23 16
                                    

Ngiting tagumpay ng umuwi si Joshua sa kanilang tahanan. Dumaan sya sa isang bar kung saan nag celebrate ng kaarawan sina Fifth at Fourth. Hindi din agad sya nagtagal dahil may trabaho pa sya kinabukasan.








Nagdaan pa ang kalahating buwan at tuluyan ng natapos ang pelikulang kanilang ginagawa. Malungkot ang lahat dahil mamamaalam na sila sa isa't isa. Ngunit masaya silang nakabuo ng isang pamilya at babaunin ang mga aral na natutunan at pagkakaibigang nabuo sa bawat isa.

At dahil nakapasok ang kanilang pelikula sa MMFF, nagsimula na ang kaliwa't kanang interviews at movie conference. Batid ni Joshua ang sobrang kaba sa bawat apperances na kanyang dinadaluhan. Ito kasi ang unang sabak nya na sya ang bida. Marami ang pumupuri sa kanyang pag arte at hindi maiwasang maikumpara sa isang sikat at magaling na aktor kaya mas lalong nadagdagan ang pressure nya. Mabuti nalamang at nandyan si Julia para sumalo at sumagot para sa kanya. Mas lalong syang humanga sa dalaga, matalino nitong naitatawid at nasasagot ang mahihirap na tanong ng mga reporters. Minsan ay napapatulala na lamang sya sa dalaga dahil sa mga binibitiwan nitong mga salita.

Naging mailap naman si Julia sa mga tanong patungkol sa pag ibig. Maya't maya kasi ang tanong sa kanya tungkol sa namumuong chemistry sa kanila ni Joshua at Ronnie. Ayaw nyang isali ang mga bagay na iyon lalo't mas gusto nyang mag focus sa kanilang pelikula kaya't "play safe" ang mga naging sagot nya sa lahat.

Mall shows, tv and radio guestings ang naging trabaho ni Joshua, Julia, Ronnie at iba pang casts ng VKJ. Todo ang promote nila sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan at sinisiguradong maisasama ang VKJ sa listahan na panonoorin ng mga tao sa darating na pasko.

"Julia halika dito magpahinga ka muna. Kanina ka pa dyan nakatayo. Hayaan mo muna sila Mark mag asikaso ng mga ipapamigay"

Pag iimbita ni Ronnie kay Julia magpahinga sa tabi nya sa loob ng sasakyan.  Kasalukuyan kasi silang na sa isang probinsya para mamigay ng mga damit at flyers. Hindi naman na tumanggi ang dalaga at hinayaan ang sarili na magpahinga sandali.
Wala si Joshua sa mga oras na iyon dahil may naka schedule na taping ang binata.

"Thanks Ronnie.... Nakakapagod pala talaga yung ganito no? You can't have enough sleep, you don't get to see and spend time with your family and friends. I miss to go anywhere, just to relax and enjoy the whole day for myself. All of these, It's very tiring really..... but its all worth it. Lahat ng puyat at pagod, lahat yun sobrang worth it"

Teary eyed na sabi ni Julia. Kung may taong sobrang nagpapasalamat dahil sa mga nangyayari sa buhay nya ngayon, isa na si Julia doon. She's been waiting for this to happen. Kung gaano kadali ang pagpasok nya sa showbiz dahil sa pagiging Barretto, ganun din kahirap ang naging pag tanggap ng tao sa kakayanan nya. People see her with just a pretty face in the industry having a very complicated family because of the controversies. There were times na halos sumuko na sya sa pag aartista, nariyan ang papalit palit na ka love team dahil hindi ito pumapatok sa masa until she found the two boys. She's been praying all night na sana ito na ang simula ng kanyang magandang career.

"Ikaw Ronnie how are you handling all the blessings you're receiving right now?"

Tanong ni Julia sa katabi na nakikinig sa kanya.

"Katulad mo, sobrang saya kasi hindi lahat ng artistang baguhan na katulad ko ay mabibigyan ng ganitong pagkakataon. French fries lang ang hiniling ko kay Lord, sinamahan pa nya ng burger.. hahaha"

"Yeah you're super blessed coz you got two movies.. Hanep!! Kaya ikaw you should embrace this because opportunity knocks only once."

Green Hearts Where stories live. Discover now