SEXY AND HOT are the perfect words to describe her tonight. She is definitely an eye catcher. All heads turn especially the men as she walked passing the floor.
He was stunned. Again. This has been a habit of Joshua whenever Julia is near around him. Until now, he could not comprehend how Julia could look so beautiful and radiant wearing a simple black dress that hugs her body perfectly.
"Hi guys!!! I am glad you came"
Julia is very delighted to see her co stars join with them off cam.
"Hi Julia! Oo naman sumama talaga kami para makapagbond naman tayo together outside work. Di ba Joshua?".
Masayang bati ni Maris. Lihim nyang siniko si Joshua dahil napansin nya na tila nanigas ito sa kanyang kinatatayuan.
"Ah oo.. Bu... buti nalang fre.. free kami ngayon".
Pautal utal na sagot ng binata.
"That's good, pwede tayong mag party hanggang umaga!".
Hiyaw ni Ronnie sa mga kasama.
Nagsimula ang kasiyahan. Samu't saring inumin na para bang tubig ang nilalagok nila Ronnie at Axel. Panaka nakang salitan naman ng pag inom sila Julia, Maris at Joshua. Bagamat hinay hinay at kontrolado ang pag inom ng tatlo, tila tinatamaan pa din ng alak si Maris dahil mas lalo itong naging hyper at tumatawa mag isa kahit seryoso ang usapan nila.
"hey guys wiwi lang ako ah, Ill be back. Huwag nyong gagalawin yang mani na inorder ko! Bilang ko yan".
Namumulang saad ni Maris, may pagkahilo syang naramdaman nang sya ay tumayo, mabuti nalamang at naalalayan ni Ronnie at minabuting samahan papunta sa banyo.
Patuloy ang kasiyahan sa paligid, isang tugtugin ang mas lalong nagpa indak sa mga tao.
"Hey Joshua, are you really that quiet person?".
Tanong ni Julia dahil napansin nya na parang si Maris lang ang kausap nya. Tahimik lamang na nakikinig ito at sasagot kapag tinatanong lamang sya.
"Haha ok lang. Depende siguro sa kausap ko."
"What do you mean?"
"Ah. paano ba? Dalawang dahilan kapag natatahimik ako, its either nahihiya ako or ayoko sa kausap ko".
"So ano ako sa dalawa? Don't tell me ayaw mo akong kausap".
Julia asked pouting her lips waiting for his answer. Joshua couldn't help but to smile.
Naku Julia wag kang gumanyan - saad ni Joshua sa kanyang isip.
"Syempre nahihiya ako sayo noh."
Ngiting tugon ni Joshua habang nakahawak sa kanyang batok. Isang senyales na kinikilig sya.
"Para kang sira, tayo nga ang loveteam sa movie tapos mahihiya ka sakin. Don't be ok. Hindi naman ako nangangagat".
Pasigaw na sagot ni Julia dahil sa ingay ng paligid kaya minabuti nyang lapitan ang binata. Kakaunting dipa lamang ang agwat ng dalawa sa isa't isa. Amoy ni Joshua ang pabangong gamit ni Julia. Nagsisimula nanaman kainin ng kaba ang binata sa naging kilos ng dalaga. Ito na marahil ang pinakamalapit na posisyon ng dalawa.