13

1K 19 0
                                    

Mabilis umusad ang mga araw kasabay ng unti unting pagbuo ng kanilang proyektong itatampok sa buwan ng Desyembre kung ito ay sakaling makapasa sa mga myembro ng MMFF.

"Jjuullliiaa! did you get the invitation para sa Starmagic Ball? I already got mine!!!!"

Kinikilig na bungad ni Maris kay Julia habang winawagayway ang hugis kwadradong papel na pinalilibutan ng samu't saring palamuti sa gilid.

"Grraaabeee Juls, na eexcite talaga ako! It feels like it's always my first time to attend the ball. Imagine, pinapanood ko lang to sa bahay namin before tapos ngayon kasama na ko!! Oh My Gosh!! Who would've taught na I will be part of Starmagic"

Hindi maikubli ang sayang nararamdaman ni Maris sa mga oras na iyon na papikit pikit pa. Tuwang tuwang pinagmamasdan ni Julia ang kaibigan habang nagkukwento ito.

"You're so cute Maris, I already got mine nung isang araw. How manny days nalang pala before the ball?"

Julia asked Maris while mentally reminding herself to do an appointment to Michael Cinco to do her dress.

"In about 3 weeks"

Si Ronnie na ang sumagot para kay Maris. Sakto ang pagdating nya habang nag uusap ang dalawa. Mula sa kanyang likuran lumabas si Joshua nakangiti, may bitbit na dalawang Starbucks frappe at inabot ang isa kay Julia.

"Wow thanks Josh, my favorite! Cookies and Cream!"

Tuwang tuwang pagpapasalamat ng dalaga.

"Si Julia meron pero ako wala"

nakangusong wika ni Maris habang tinitignan si Joshua.

"Sabi mo kasi malalate ka, malay ko ba na darating ka ng maaga"

Pang aasar na sagot ni Joshua kay Maris.

"Sus, ang pagkakaibigan talaga hindi nasusukat sa tagal yan e! porket may Julia kana..."

Parang batang pagtatampo ni Maris na akmang aalis. Niyakap naman agad ito ni Joshua sa likod para pigilan.

"Patola ka talaga, ito yung sayo"

sabay abot ni Joshua ng isa pang frappe dito.

"Baka naman nilawayan mo na to"

"Aba bastos to ah, Akin na nga yan, huwag mo na inumin"

"Hahaha joke lang ito naman hindi na mabiro, I love you Joshua. You're the best!"

Sabay higop sa frappe para hindi na kunin ng binata sa kanya. Sadyang maalaga si Joshua kay Maris kahit na nagkaka asaran sila dahil isa ito sa tinuturing nyang matalik na kaibigan bukod pa kay Loisa. Aliw na pinagmamasdan naman ni Julia ang dalawa habang ang mga ito ay nagkukulitan.

~~~~

"Joshua, Star Magic Ball is coming in about 3 weeks, anong plano mo?"

Tanong ni Direk Ted habang kasalukuyan nilang nirereview ni Joshua ang mga nakuhang scenes kaninang umaga. Ito ang paboritong ginagawa ni Joshua kapag hindi nya kausap ang mga kaibigan. Gusto nyang nakikita ang mga nakunang eksena at maitama kung may mali syang napuna.

Green Hearts Where stories live. Discover now