03

1.2K 70 40
                                    


NAKATINGIN lang ako sa pintuan simula ng lumabas siya. Inaalala kong mabuti ang mukha niya.

Lee Ji. Kabitin talaga banggitin ng pangalan niya. Pero ang cute naman. Bagay sa bitin pero cute niyang height, pati na rin sa cute niyang mukha.

Oo, tama, cute nga siya. Sobra sobra. Nakakakabog ng puso at nakakapagpagana nga ng imahinasyon. Kung ano ano kasing naiisip ko kanina at hanggang ngayon.

Napahawak ako sa gitna ko ng nanatiling matigas iyon. Natatawang napamura ako.

This is new, tinigasan ako dahil sa isang cute na cute na lalaki. And the beat of my heart and the quick little sparks made me more interested with that guy.

Kailan ko kaya ulit siya makikita?

Napangisi ako. Hindi ko talaga makalimutan ang mukha niya at ang pakiramdam ko ng mahawakan ko siya. Para bang may kumikiliti sa puso ko at natutuwa ako doon.

Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Hindi ko pa ito nararamdaman kahit kanino.

Tatalikod na sana ako ng may nahagip ang mga mata ko. Bumalik ang tingin ko doon at napakunot-noo. Nasa gilid lang yun ng basurahan at di gaanong napapansin. Dahan dahan akong lumapit at pinulot iyon.

ID? Kanino naman to?

I looked at the picture. Tumaas ang dalawang kilay ko ng ang blangkong mukha ni Lee Ji ang nakita ko. Bumaba ang tingin ko sa information niya at halos napakurap pa ako sa pagbabasa. Pamilyar na pamilyar ang nakaprint na pirma sa ibaba.

Di ko alam ang irereact ko. Pero sa loob loob ko, para akong nagpipiyesta. Tuwang tuwa akong nakita ko agad ang hinahanap ko.

Pledis University
Seoul, South Korea

[Insert photo above]

LEE
Jihoon
November 22, 1996

LJH
Signature

diary? • jicheol [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon