012

1.2K 75 111
                                    


"SAAN mo ako dadalhin? Hoy!"

Hinila ko ang kamay ko pero di niya ako pinakawalan. Mas humigpit ang kapit ng napakalambot niyang kamay sa kamay ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Dadalhin niya ba ako kay Seungcheol?

Nagulat ako ng kung saan saan kami lumiko. Para siyang may iniiwasan dahil lingon siya ng lingon sa paligid. Mabilis din ang mga hakbang niya na kanina ko pa hinahabol. At ang tinutungo naming lugar ay sa likod ng school, kung saan walang gaanong tao.

Ano namang gagawin namin dito? Rather, anong gagawin niya sa akin dito?

Bigla akong kinilabutan. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa blangko niyang mukha.

Di kaya rereypin niya ako dito?!


"Hoy, saan mo ba talaga ako dadalhin?," tanong ko.

Tumingin siya sa akin at saka siya tumigil sa paglalakad. Hindi ko yun inaasahan kaya nagtuloy tuloy ang hakbang ko at napatigil lamang ng tumama ang mukha ko sa leeg niya. Ramdam ko ang agad na pagpalibot ng isang braso niya sa katawan ko at pag-alalay sa isang braso ko.


"Oops, mag-ingat ka naman. Tsk. Hindi sa lahat ng oras may isang gentleman na tulad ko ang handa kang saluhin kapag nahulog ka," he whispered in my ear, seductively.

Nung una ay di ko nagets yung sinabi niya, pero kalaunan ay naitulak ko siya dahil sa double meaning ang sinabi niya. Inirapan ko siya sabay yakap sa sarili ko.


"Wth, Yoon Jeonghan. Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Nandito ba si Choi Seungcheol? Asan? Asan? At tatakbo na ako. Bwisit, bakit ba kasi ikaw pa ang nakahuli sa akin—"

"He's not here," putol niya sa sinasabi ko.

Naningkit ang mga mata ko. Pumameywang ako at tiningnan siya ng masama.

"Eh, anong ginagawa ko dito? Hila ka ng hila—"

"I want to talk to you," putol niya ulit sa sinasabi ko.

Mas sumama ang timpla ko. Pero nginitian niya lang ako ng matamis na para wala siyang binabalak na masama kahit na ngisi na talaga ang nasa bibig niya.

Kahit ano naman ang reaksiyon ng mukha ng taong ito ay may ibig sabihin. Hindi kagandahan ang ugali niya pero hindi din naman ganun kasama. Pero katakot takot pa rin.

"Ano naman ang pag-uusapan natin? Hindi naman tayo magkaibigan, ni hindi nga tayo close—"

"I want you to be my boyfriend."

"—mas gusto kong maging boyfriend si Seungcheol. Mas cute, mas malaki ang mata, mas mahal ko—"

"I said I want you to be my boyfriend."

"Presidente siya ng clubs, captain niyo, tapos nung elementary binuhat niya ako—putangina! Anong you want me to be your boyfriend?!"

His eyes suddenly turned amused. Titig na titig siya sa mukha ko at may kakaibang ngiti sa mukha niya. Namumula din ang mga pisngi niya at sobrang, as in, sobrang nagniningning ang mga mata niya. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ng masama.

"Ang cute mo talaga. And amazing. Gulat ka na nga, nakumpleto mo pa sentence mo. You're making me like you harder. Sa akin ka na lang, Lee Jihoon, I need you in my life," he said.

Little tingles creeped in my stomach. At muntik ko ng kinurot ang sarili ko dahil talagang nagustuhan ko ang narinig ko. Naaalala ko kasi yung unang taong nanligaw sa akin. Hay...Pero ayoko pa rin kay Jeonghan. Oo, gwapo siya, maganda din, talented din, at may mga bagay pang magaganda sa kanya na hindi ko mabanggit, pero iba kasi ang tinitibok ng puso ko at ang idinadahilan ng utak ko. Seungcheol...Mingyu...

I already have two of them to confuse me and wreck what I already planned for our lives. Hindi ko na idadagdag pa ang talagang sakit sa ulong si Yoon Jeonghan. Sapat na sa akin ang kaguluhan sa side ko na matagal ko ng tinatakbuhan at sa kaguluhang sinisimulan ni Choi Seungcheol.


"Ano ba talagang trip mo Yoon Jeonghan? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?," I asked.

He combed his hair and bit his lips. "Lahat ng sinasabi ko, isinasapuso ko din, kaya alam ko lahat ng sinasabi ko. I think I like you, Lee Jihoon," sagot niya.

Mas nagsalubong ang mga kilay ko. "You think? Eh sipain kaya kita? Loko to," mabilis kong sabat.

Natawa siya sa sinabi ko. He folded his arms on his chest and leaned back on the wall behind him. He gave me lopsided smile that can make even the coldest person scream. Pero kinagat ko ang dila ko.

Duh, gwapo naman talaga siya. Pero hindi sapat ang karisma niya para ibahin ang takbo ng tibok ng puso ko.

"That's why I like you. Pakiramdam ko ay kayang kaya mo akong kontrolin, awayin at ayusin. You can make me decent. You can clean me," he said.

Tumaas na ang dalawang kilay ko. I stomped my feet on the ground and threw him a deadly glare.

"Hindi ko kayang gawin yan! Baka mapatay pa kita sa konsumisyon ko! At saka, alam kong alam mo kung sinong gusto ko. Huwag kang gago," inis kong sabi.

He pouted. Napakamot siya ng noo at nag-iwas ng tingin.
"Eh, ikaw talaga ang pinakabagay sa akin, eh. Ikaw ang mag-aayos sa akin," he said.

Sa inis ay mabilis akong lumapit sa kanya. Hinila ko siya sa kwelyo at isinalya sa pader. Mukhang nagulat siya dahil hindi siya nakapagreact agad at napanganga pa. Gigil na gigil ma inipit ko ang leeg niya at saka sumigaw sa mukha niya.

"Kung mag-aayos lang pala sa ugali mo ang kailangan mo! Hindi ako yun! Magkaclash lang ang mga ugali natin at gustong gusto ko ang kabigan mong camel! Alam mo kung sinong kailangan mo? Yung pinsan kong magpapari! Ayaw ko sanang ibigay sayo yun pero dahil ayoko namang ako ang gaguhin mo, siya na lang! Hala! Hinatayin mo at bukas na yun darating dito dahil transferee!"

Agad ko siyang binitawan at mabilis ding umatras. Lumayo ako sa kanya ng sobra sobra.

"Wth?," react niya.

"Anong wth?"

"Bakit pari ang ibibigay mo? Gusto mo bang magpari na rin ako? Ew kaya!," sigaw niya.

I snorted.
"Hindi talaga yun pari. Church boy yun. At inosente. Kaya kapag yun ay kinorrupt mo! Humanda ka sa akin!," banta ko.

"Ha? Hindi ko naman kilala yun, eh! At saka ikaw ang gusto ko—"

"Mas kagusto gusto si Jisoo kaysa sa akin. Kaya huwag ako. Basta!"

Tumalikod alo at mabilis na tumakbo. Naririnig ko pa ang sigaw niya at alam kong balak niya akong habulin. Kaya naman mabilis akong tumakbo.


Ipinahingi ko si Jisoo sa isang babaero. Ang bad kong kamag-anak. As ever.






"Ay! Cute ako!"

At di na ako nakapalag ng biglang may humila sa akin papasok sa isang classroom. At ipit na ako sa pagitan ng isang matipunong katawan at ng dingding.

Deym. Sino naman ito?



"Why are you with Jeonghan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kahit madilim sa loob ay alam kong masama ang tingin niya sa akin. Kumabog ng husto ang dibdib ko at natigil ang paghinga ko.

Deym talaga.

"A-ah...S-Seungcheol?"


Ran


Stupid. Me.

diary? • jicheol [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon