015

1.1K 63 46
                                    


BEING popular is the best thing a teenager can ever have.

But not for me. It doesn't work for me. Actually, it irritates me to hell. Because I'm the kind of person who hates attention.

"Peymus ka na, bestie! Hihi, bakit di mo man lang ako ininform na nahawakan ka na pala ni Fafi Cheol! Akala ko ba besties tayo? Nga pala," he lowered his voice and whispered excitedly, "since kayo na, makikita mo na lagi si Junhui. Kaibiganin mo naman, oh. Tapos reto mo ak—Aw!"

Tiningnan ko siya ng masama kasabay ng pagsiko ko sa tagiliran niya. Ang bilis niyang lumayo sa akin at sinapo ang nasaktang ribs.

"Umayos ka. Hindi kita ilalakad sa malanding yun kahit umiyak ka pa ng dugo. At hindi ko boyfriend si Choi Seungcheol!," sigaw ko.

He pouted. Pagkatapos ay itinuro niya ang jacket na suot ko. I scrunched my nose when I realized what he meant.

"Hindi niya ibibigay sayo yan kung di ka niya boypren," he said.

Naiinis na ipinadyak ko sa tiled na floor ng hallway ang mga paa ko. Kahit pinatitinginan na ako ng lahat ay wala na akong pakialam. Kahapon pa nila ako tinitingnan ng ganyan. Simula ng makita nilang kasabay ako kumain ng lunch ni Seungcheol, hinatid niya ako sa room at nagpabili pa ng meryenda para lang mapakain ako dahil tumunog ang tiyan ko! At kaninang umaga lang, bumungad na lang sa akin ang mukha ko sa bawat bulletion at may nakasulat na, “Seungcheol's Property: ANG SINO MANG MAGTANGKANG HAWAKAN, KAUSAPIN, LIGAWAN AT TITIGAN ANG LALAKING ITO AY MAKAKATIKIM NG NAKAKAMATAY NA PARUSA MULA KAY CHOI SEUNGCHEOL. AT ANG MAGTANGKA NAMANG AGAWIN SIYA AY MAMATAY KAAGAD.” 🔫

Signed by:
Choi Seungcheol



Mas naasar ako ng maalala ko yun. At siyempre, medyo nag-alala.

Bakit kasi kailangan pa niyang ipost yun? Ang daming makakakita nun. Pwede ding may maglabas niyon sa school at makaabot sa ibang lugar. Baka mabasa iyon ni...

I gave out a frustrated sigh. I pulled my hair and grunted.

"I'm starting to get annoyed. I didn't know that man could be this..this,..this! I hate Choi Seungcheol!," pigil pigil ko ang pagtataas ng boses ko habang sinasabi ang mga salitang yan. Pero hindi ko talaga mahinaan ang boses ko, kaya naman nakakuha pa rin ako ng atensyon. Namula tuloy ang mga pisngi ko.

Asar. Tsk.

Kinurot ni Hao ang tagiliran ko bago siya umabrisete sa akin.
"Sus! I hate Seungcheol daw, pero suot suot naman yung jacket. Tapos," he whispered, "nagsusulat pa ng bagong ismat ngayon sa notebook niya. Pfft."

Mas namula ang mukha ko sa sinabi niya. Because wtf, what he said is real! But how did he discover it? I wrote it in the middle part!

"How did you—"

"Inoobserbahan lang kita kanina kasi tutok na tutok ka sa pagsusulat sa notebook mo. And I know that look on your face when you were writing it. Obyus na obyus na tumatakbo ang imahinasyon mo kanina," nakangising sagot niya.

I glared at him. Tinulak ko siya pero dumikit lang din ulit. I sighed frustratedly.

"Minghao, get your hands off me," bulong ko.

He smiled sweetly. "Sabihan mo muna ako ng bespren," he said.

I rolled my eyes. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko pero ibinalik lang niya. I glared at him once again. Pero ang lalaking ito ay hindi talaga tinatamaan ng killer looks ko. Kilala na kasi niya ako, at alam niyang hindi ko nga siya masasaktan. Tsk.

"Ayoko. Just let go of my arm," asar kong utos.

He didn't. Sa halip ay hinila pa niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pinilit kong tumigil at bawiin ang braso ko pero ayaw niya talalagang bitawan.

"Hao!," sigaw ko.

"Hmm?"

"Bitawan mo ako."

"Bespren."

"No! Just let me go!"

"I wooooon't until you say the magic word."

"Just let me go, bitch."

"Nonono!"

"Let me goooo—"

Parehas kaming natigilan ng bigla na lang may humila sa akin. Naihiwalay nga ako kay Minghao pero parang napilay naman yata ang kamay ko sa higpit ng kapit ng taong humila sa akin. At nabigla ang braso ko sa bigla niyang paghila. Mas uminit ang ulo ko dahil unti unti ng kumirot ang balikat ko. Damn, napilay nga yata.

Sino ba to?

Nag-angat ako ng tingin. Pero nailayo din ang tingin ko sa mukhang iyon ng maramdaman ko ang paglagapak ng isang matigas na bagay sa pisngi ko. The sound echoed in the hallway. Tumagilid ang mukha ko at biglang kumalat ang nakakamanhid na sakit sa pisngi ko. Then I tasted something sour in my mouth.

Wtf?

Itinaas ko ang kamay ko at dinama ang bibig kong nakagat ko sa lakas ng impact ng pagsampal sa pisngi ko. And I felt a hot liquid flowing from my lips down to my chin. At halos magdilim ang paningin ko ng makita ko ang likidong pula sa damit ko.

Someone slapped me? Txngxnx?

Tiningnan ko muli ang salarin pero sinalubong na naman ako ng isang sampal sa kabilang pisngi kasabay ng isang nakakabinging sigaw.

"Fvck you, Lee Jihoon! It's all your fault! Kasalanan mo kjng bakit siya nakipagbreak sa akin! Kasalanan mo kung bakit ayaw na niyang naging fiancee ko! Kasalanan mo! Ang landi landi mo! Bruhilda! Makati! Malandi!"


Ran

diary? • jicheol [on hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon