Chapter 3

18 1 0
                                    

Alexandra Ramos Point of view

"Oo nga, hindi mo seseryosohin yung magiging boyfriend mo." Dag dag pa ni Princess.

"Hindi kita maintindihan?" Tanong ko.

Aaminin ko ang slow ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang gusto ni Princess.

"Ang ibig kong sabihin ikaw ang hindi mag seseryoso. Iiwan mo din yung magiging boyfriend mo pag ka nagsasawa kana. Sayang naman kasi yung ganda mo kung umiiwas ka sa mga lalaki." Paliwanag pa nya.

Nakatigil lang muna kami ngayon at ewan ko at tumigil din ako sa paglalakad.

"Ang ibig sabihin mo parang landian lang yung relationship namin?"

"Oo. Pati malay mo baka makatulong din yan sa pag momove on mo."

Sabagay matagal na panahon na din naman yon. Baka nga makatulong yon saakin.

"Okay. Gusto ko na rin namang mag move on ih."

"So sasama ka samin mamaya?" Tanong na excited na si Karylle.

"Oo na." Sagot ko.

"Nga pala may tip ako sayo Alex." Sabi uli ni Princess.

"Bat kailangan pa ba yan ni Alex? Magaling na yan, hindi na uli yan masasaktan!" Proud na sabi ni Cj saka ako inakbayan.

"Hahaha syempre paalala na din to sakanya."

"Ano ba yun?" Tanong ko.

"Syempre kailangan mong magbago ng pakikitungo sa mga lalaki perk wag naman yung easy to get ka lang, syempre tulad ng pagkakakilala ko sayo." Paalala ni Princess.

"Ano kaba kailan pa naging easy to get yan si Alex? Sa simulat simula napaka hirap na maging girlfriend yang si Alex. Ni miski ako hindi ko kaya mag tiyaga dan. " Sabat ni Karylle.

BitterelaWhere stories live. Discover now