Chapter 17

4 0 1
                                    

Pj Ramirez Point of view

Lumabas na kaagad ako sa may kwarto ni Alex pagka tapos nya akong batuhin ng unan dahil sa pag sabi ko sakanya ng hindi naman sya sexy.

Actually ok lang naman talaga yung katawan ni Alex hindi naman kapayatan, hindi rin katabaan, katamtaman lang. Ayoko lang kasi ng babaeng naka suot ng maikling short.

Pero may karapatan naman sya kasi nasa may kwarto lang naman sya kaya ok lang sakanya, pero ayoko lang talaga kasi na para syang pokpok sa suot nyang short.

"Kuya Justine mag didinner na tayo? San ka pa galing?" Tanong kaagad sakin ni Kyle pag ka baba ko.

"Ah may naiwan lang ako sa kwarto ng ate mo." Sagot ko.

"Ah ganon ba? Nawala ka kasi kanina ih, nung sumigaw si ate ih?" Sabi nya.

Nung narinig ko kasing sumigaw si Alex agad akong tumakbo sa may kwarto nya, naisip ko kasi na baka may hinahanap yun na hindi nya mahanap, ganon kasi yun nagwawala nalang kapag may bagay syang hindi nya mahanal lalo na kung napaka tagal na nyang hinahanap yun.

Nangyari na kasi yun nung nawala yung cellphone nya halos lahat kami nag hanap kung saan saan, kung hindi ba naman kasi sya burara sa mga gamit nya?

Halos mag wala nga sya nung mga time na yon kasi baka daw kasi na nakaw na yon, naandon pa naman daw kasi yung mga pictures nila ni Julian, kaya halos sa may campus nun nag hahanap sa cellphone ni Alex na naiwan lang nya pala sa may rooftop nila na naka charge.

Diba parang baliw yung babaeng yon? Pero mahal na mahal ko yung babaeng yon.  Hindi ko nga alam kung bakit ganito na ako ka patay na patay dun sa mantalang nung elementary kami ayaw na ayaw ko sakanya? Siguro nabuo nalang to nung nalaman ko kung gaano kamahal ni Alex yung mga taong nag papasaya sakanya kagaya ko?

"Kuya Justine!" Dinig kong tawag saakin ni Kyle na para bang kanina pa sya nag sasalita sa harap ko pero dahil sa may iniisip ako, hindi ko sya naririnig.

"Ah sorry. Kakain na ba tayo?" Tanong ko.

"Oo. Ano bang iniisip mo? Kanina pa kita tinatawag sa pangalan mo ih. " Tanong nya habang nag lalakad na kami papapunta sa may dining table.

"Ah wala. Tara na. Baka hinahanap na tayo. " Pag iiba ko ng usapan.

Hindi na sya sumagot at naglakad nalang kami papunta sa may dining nila.

Ng nakadating kami don naandon na sila tita at tito saka  si kuya Paulo na naka upo na.

"Umupo na kayo." Sabi ni tito nung pag dating namin.

Umupo ako dun sa upuan ni Alex, katabi ko si Kyle sa may upuan.

Tahimik lang akong kumakain at nakikinig lang ako sa pinag uusapan nilang apat. Sumasagot lang ako kapag tinatanong ako nung daddy ni Alex. Kinakamusta nya lang naman kasi sila mama at papa ih saka yung lovelife ko.

BitterelaWhere stories live. Discover now