Chapter 27

9 0 0
                                    

Alex point of view

"Nice to meet you. I'm Trisha Reyes!" Pakilala nya at saka ko inabot yung nakalahad nyang kamay kanina, at saka ko sya kinitian ng nakakalokang ngiti.

Napansin ko din na hindi naka tingin saamin yung mga kaklase ko, buti naman kasi baka mahalata kami.

"Naipakilala kana kanina ni Ate R, pero ok na din na inulit mo. Nice name!" Sagot ko sakanya.

"Ah talaga bang kayo lang yung tao dito?" Tanong nya, hindi ba naikwento ni Ate R sakanya ang lahat? Hindi ko balak na mag kwento sakanya na kung ano ang history kung bakit kami lang ang naandito sa cafeteria. Ang balak ko ay matanong sakanya kung ano ang nangyari sakanila ni Nelmark. Kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin sya ni Nelmark.

"Oo. Pero dito mo napiling mag aral? Kasi nabalitaan ko na naandito yung ex mo?" Tanong ko na kinagulat nya.

"Ah oo. Sya yung katabi mo kanina. Gusto ko kasing makausap nya at mag kaayos kami." Paliwanag nito, kaya naman may naisip ako na paraan para mas lalong magalit sakanya yung nga kaklase at dahik na din sa bitter ako hindi ko hahayaan syempre na mag kabalikan sila.

Kawawa naman kasi Julianna at syempre si Julianna at si Nelmark ang gusto kong mag katuluyan no.

"Ah bat ba kayo nag break?" Malungkot kong tanong, pero sa totoo lang masaya ako kasi wala na sila kaso nga lang baka maging sila uli kung dito sya mag aaral.

"Ah kasi ayaw ni Daddy sakanya. Pati hindi ko na siya mahal." Paliwanag nya na nag paasar saakin. Kaya pala ganun nalang yung galit nila dito sa babaeng to? Grabeng rejection ang nangyari kay Nelmark at ngayon lang sya na reject kaya siguro nagalit yung mga lalaki kay Trisha.

"Masakit ang mareject pero sana sa sasabihin ko at gagawin ko sayo ay wag ka maoffend?" Naka ngisi kong sabi at sya naman ay naka kunot na ang noo.

"Ano ba yo-" hindi ko na siya pinatapos at sinampal ko na kaagad sya, na kinagulat niya at ni Pj, na tumayo na sa kinauupuan nya at saka nag lakad papunta saamin.  Oo mga single kami at walang nag tatangka saming manligaw o mag ka jewa pero ang ayaw namin sa lahat ay yung nirereject kami, lalo na sa mga dikagandahang tulad nya.

"Hindi ka kagandahan para ayawan mo siya. Kung gusto mo pang tumahimik ang buhay mo? Ngayon palang makakaalis kana. " Bitter kong sabi at saka ako umalis don at iniwan syang naka tulala. Lumapit naman sakanya si Pj para tanungin kung ok sya.

BitterelaWhere stories live. Discover now