Chapter 22

12 0 0
                                    

Alex Ramos Point of  view

Tahimik lang kaming nanonood ng t.v ngayon. Ni isa walang nag lalakas loob na mag salita. Hindi rin naman ako nag lalakas loob na mag salita. Mahirap na. Hindi rin naman kasi nag sasalita si Sean at nanood lang sya kaya talagang tahimik kami.

Pag dating talaga sa pag boboyfriend napaka over protective ng mga pinsan ko. Alam ko naman ang ginagawa ko saka ayoko ng masaktan no, ang hirap kaya. Gabi gabi kang naiyak ni hindi ka makakain kasi wala kang gana.

Bat baki nabakiw ako ng todong todo nun kay Pj at kay Julian? Si Pj kasi talaga sya non, matangkad matangos ang ilong pero may pag ka mayabang? Kaya bakit ba ako baliw na baliw don dati?

Baka naman ginayuma ako non? O may pinakain sakin na pagkain na may gayuma?

Pero may pag ka sweet din naman kasi yon, lalo na nung grade 6 kami kahit hindi niya sabihin alam ko naman. Kasi binigyan nya kaya ako nung valentines ng rose na plastic.

Ang sweet nya kaya nun, kasi pag ka dating nya sa may room tumakbo kaagad sya papunta sa may tindahan para lang bumili. Ang saya ko lang kasi tatlo ang binili nya non at yung isa binigay nya sa adviser namin at yung isa ay kay Karylle ata at yung isa naman ay sakin, hanggang ngayon nga ih nasaakin pa rin yung plastic na rose na yon.

Ganun talaga dapat tinatago mo yung mga bagay na binibigay sayo kahit na yung taong nag bigay pa sayo non ay nag paiyak sayo noon.

Pero kahit na ganoon yon mahal ko naman yon, mahal na mahal pero as a friend lang naman.

"Alex! Alex!" Dinig kong may tawag sakin.

Masyado ba akong naging pre occupied? Dahil kay Pj? Masyado ko nanamang iniisip yung past ko.

"Huh? Bakit?" Nag tataka kong tanong kay Sean, sya kasi yung tumatawag sakin kanina.

"Kanina ka pa kita tinatawag hindi mo ko naririnig? Ano bang iniisip mo?" Pabulong nyang tanong.

Yung past ko lang naman ang iniisip ko.

"Ah wala. Bakit mo ba ako tinatawag?" Tanong ko.

Ayoko ngang sabihin sakanya kung sino ang iniisip ko, baka nag selos pato.

"Ah may natawag kasi sa cellphone mo ih. Saka kakain na daw tayo naandon na silang lahat sa may playground don daw kasi tayo mag lulunch. ." Sagot nya kaya tumingin tingin naman ako sa may tabi ko at wala na nga sila. Pero sino naman kaya ang natawag?

Ganon ba ako naging ka manhid? Hindi ko man lang sila naramdaman na umalis at hindi ko man lang narinig ang mga ingay nila?

"Eh sino yung natawag?" Tanong ko at saka tinignan kung sino yung natawag.

"Hindi ko kilala ih. Abno ang nakalagay na pangalan." Sagot nya.

BitterelaWhere stories live. Discover now