Chapter 9

7 0 0
                                    

Alexandra Ramos Point of view

Lumunok muna ako bago ko sila sagutin. Dahil kung makikita nyo talaga yung mga mukha nila para silang papatay ng tao.

"Ah k- kasi lasing ako nun kaya ganun yung naging pakilala ko s-" hindi ko nanaman natapos yung paliwanag ko dahil nagsalita na si Cj. Para bang may mali kay Cj ngayon?

"So kaya ba ganun yung naging pagpapakilala mo sa kanila? Ano kinahihiya mo kami?!" Sigaw na galit na galit na si Cj. Kahit na hindi nya sabihin alam ko na kung ano ang problema ngayon ni Cj.

Hindi muna ako nag sasalita at pinapa kiramdaman ko lang silang lahat, kung sino ang mag sasalita.

"Hindi naman kayo ih. Saka pinag titripan ko lang sila ka-"

"Kaya ano?! Ganun nalang yu-"

"Ano ba problema mo Cj ha?!" Sigaw ko sakanya. Kahit na alam ko nanaman talaga ang problema nya. Ganyan kasi sya kapag hindi sya napansin nung crush nya.

"Ang problema ko? Ewan ko? Kung bakit ganito ako?! Siguro uuwi na muna ako." Paalam ni Cj kaya hinayaan nalang namin sya na umalis.

Sumunod naman sila Emman at Karylle kay Cj para ihatid sa baba si Cj.

At hinayaan ko na sila na bumaba. Umupo naman muna ako sa may kama ko dahil pinahinahon ko na muna ang sarili ko.

"Hindi ba sya pinansin nung crush nya?" Tanong ko ng nakakalma na ako. Baka kasi yon nanaman ang problema nung babaeng yon.

"Hindi kasi sya pinansin nung crush nya kaya ganun yon." Paliwanag ni Princess na halata mong natatawa. Sabi na ih, bat kasi nag hahabol si Cj dun sa crush nyang yun? Pwedeng pwede namang mag hanap na sya ng iba? Ang dami kaya dan?!

Diba baliw lang? Para syang tanga nag papaka baliw dahil lang sa hindi pinansin ng crush nya.

"May pag ka baliw din talaga yun aba." Sagot ko at bumalik na din si Karylle sa kwarto ko.

"Nasaan si Emman?" Tanong ni Pj.

"Ah hinahatid lang si Cj." Sagot ni Karylle.

Pahiga na sana uli ako ng biglang hinatak ako ni Karylle pabalik.

"Ano? Nagugutom ka ba? Mag pa kuha ka nalang kay manang." Sagot ko pero hindi sya nakuntento at lumapit pa din si Princess.

BitterelaWhere stories live. Discover now