Alex Ramos Point of view
"Sino yan?" Tanong ko. Dahil kahit ilawan ko sila hindi rin naman sila mahahagip.
Walang nag sasalita at tanging mga yapak lang yung naririnig ko kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Ayoko rin kasing tumayo para lang buksan yung ilaw dahil tinatamad nga ako at feeling ko rin ay ang bigay bigay ng pakiramdam ko ngayon.
"Sino ba kasi kayo or ikaw?! Mag salita nga ikaw or else?!" May pagka asar na din don sa tono ko.
Ano ba?! Bat ayaw niyang masalita?!
"Or else anong gagawin mo samin?" Dinig kong may nag salita at biglang bukas nung ilaw.
Nakita ko naman sila Princess na magkakatabi na natatawa. Anong trip nila?
"Umalis na nga kayo! Ako nanaman trip nyo!" Sabi ko pero talagang lumapit pa sila saakin.
"Diba sabi mo dumaan muna kami dito? Saka bat ba naka patay yung ilaw? At balot na balot ka ng kumot?" Sunod sunod na tanong ni Karylle.
"Nag tetext ako ih. Nilalamig ako ih. Sge na umalis na kayo. Saka paki hinaan na din ng konti yung aircon." Sagot ko.
Balot na balot kasi ako ngayon nilalamig ako.
"Anong nilalamig? Eh ang hina hina na nga ng aircon dito sa kwarto mo oh? Sge na aalis na kami." Paalam ni Princess saka yumakap saakin.
"Hoy tama na sge na alis na kayo!" Pag tataboy ko sa kanila.
"Hoy babaita ang init mo kaya?! May lagnat kaba?" Sabi ni Karylle at hinawak hawakan pa ang leeg at ang noo ko.
"Ha? Wala lang yan! Sge na alis na kayo!" Pag tataboy ko.
"Sigurado ka ba Alex? Gusto mo dito muna ako para maiutos mo yung mga gusto mo? Ang init mo kaya?" Pag pupumilit ni Princess.
YOU ARE READING
Bitterela
FanfictionPlzzz read this😁😁😚 Thank you sa nag gawa ng cover nito saka sa nag isip nung title kay @breeyela