Alex Ramos Point of view
Tama nga ang hinala ko, kinakausap ni Kyle si Sean buti wala si Daddy pero baka kung ano ano na ang sinasabi nung si Kyle? Kaya medyo lumapit lapit ako sa kanila pero nag tago pa rin ako, gusto ko kasing malaman yung pinag uusapan nila.
"Subukan mong saktan yung ate ko? Mananagot ka talaga sakin!" Dinig kong sabi ni Kyle, na kaagad namang nag pangiti sakin. Kahit pala nakaka asar tong si Kyle minsan ay nag aalala pa rin pala sakin?
Nga pala hindi ko natignan kanina yung kwarto nya na may mga sulat kung naandon pa? Hihihi baka hindi pa yon nakaka akyat.
"Mahal ko ang ate mo kaya hinding hindi ko yon gagawin." Sagot ni Sean. Enebe yen mesyede nemeng nekekekeleg yeng mge senesebe ne Sean, hahaha charot.
"Saan ba kayo nag kakilala ni ate?" Tanong ni Kyle, kaya naiispan ko ng mag salita ayoko na kay Sean pa nila mamalalaman na sa bar kami nag kakilala.
Kaya nung mag sasalita na sana sya ay agad na akong lumabas para mag salita.
"Sa bar." Sagot ko habang lumalapit na sakanilang dalwa.
Nakita ko si Sean na tumayo at ngumiti sakin, nginitian ko rin naman sya may dala syang malaking bouquet ng flowers ngayon at may cupcakes syang dala, grabe baka manaba nanaman ako nito dahil sa mga pagkain nyang dala. Puro malalamis kasi yung dala nya.
"Nag babar ka nanaman ba ate? Dib-" hindi ko na sya pinatapos sa pag sasalita at sinipa ko na sya bago pa sya may masabing iba.
"Nung isang linggo pa yon, yun yung kami kami nung mga kaibigan ko. Wag ka ngang imbento?!" Sabi ko saka ako nag lakad papalapit kay Ryle.
"Sge upo kana." Sabi ko kay Sean at ginawa naman nya.
"At ikaw naman Kyle dun kana, tumulong ka don! Alis!" Pag tataboy ko sabay bato pa ng unan na nasa may sofa namin.
"Oo na! Eto na!" Sagot nya at padabog na umalis.
Kahit kelan talaga yon, nakakainis pero infairness may concern sya sa lovelife ko.
Umupo na ako sa may tabi ni Sean.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko saka sumandal ako sa may sofang inuupuan namin.
"Hmm hindi naman. Eto nga pala?" Sagot nya saka ibinigay saakin yung flowers at cup cakes nyang dala.
"Thank you. Oy sorry kahapon ha hindi na kita naitext sina sama kasi ako kagabi ih." Paliwanag ko
YOU ARE READING
Bitterela
FanfictionPlzzz read this😁😁😚 Thank you sa nag gawa ng cover nito saka sa nag isip nung title kay @breeyela