chapter 31

20 3 0
                                    

Kung kaya ko lang bumalik matagal ko ng ginawa , iba pala ang pakiramdam kapag gigising ka na wala sya,buong araw walang isip batang nangungulit
sayo, sobrang nakakamis pala at ...

Sobrang sakit pala..

"Pauline!! Tumayo ka na dyan ,You're late" singhal sakin ni mommy . Simula ng nanatili ako dito,naramdaman ko ang lungkot at impyerno sa buhay na to,wala akong kalayaan ni hindi ko alam kung san ako lulugar ang akala nga nilay baliw na ako dahil sa isang buwan bihira lang akong magsalita..

Di ko nalang sya pinansin at deretsong pumasok sa cr ,narinig ko pang may sinasabi sya pero hindi ko na pinansin.
Nang matapos ako bumaba na agad ako
hindi pa rin matapos tapos si mommy
sa pangagaral at kakadakdak nya sakin

Malapit na ang Christmast party sa company namin,at pinipilit nya na ako na ang magpapatakbo nito.sumangayon ako ,sa lahat ng pinagbilin nya sumangayon ako ,wala akong sinuway kahit isa sa mga utos nila ..Oo lahat yun kinaya ko sa dalawang taong paghihirap ko dito.

Dalawang taon..
Dalawang taon na pala akong naging tanga bumalik ang dating pagka tao ko.
Isang mahabang panahon ang ginugol sa pamilya at para sa aking kinabukasan pero kung sakaling ako man ang tatanungin hindi ko ito kailangan dahil ang tanging dahilan kung Bakit ako nabubuhay ay ang balikan ang aking naiwang pagmamahalan mis na mis na kita..

Lian...

"Anak you need to come to our company later we have a celebration" sabi sakin ni daddy nag nodd lang ako umalis na ako at pumasok na sa opisina .ito na ang bago kong buhay ngayon isang napaka-lupit ng kapalaran .

Tinawag ako ni daddy kaya lumingon ako agad..

"I know someday magbabago ka rin" nginitian ko lang sya pero ngiting may galit at pait...

Pumasok na ako sa opisina ,binati ako lahat ng tauhan derederetso lang ako bumungad agad ang secretary ko

"Ma'am you have an appointment to Mr Villanueva later" I froze for a second napansin naman yun ng secretary ko.

"Ma'am are you okay? "

"Yeah "simple kong sagot.

"Are you sure ma'am Do you want me to get some wa-" I cut her of oa na masyado .

"Get out " kalmado kong sabi pero bigla syang nanginig at Ilang beses na napalunok.

"Y-yes ma'am" at agad lumisan

Nakaupo lang ako buong magdamag,tiningnan ko ang view dahil meron akong napakalaking tilted glass window na makikita mo ang buong lugar at dahil nasa 20th floor ang office ko malayo ako sa ingay..

Padilim na kaya may lumilitaw ng mga bitwin hindi ko alam.pero napangiti ako ng may nakita akong bitwin na magkatabi habang kumikislap may bigla akong naalala..

What are you thinking?

Marami lalo ka na..

💗Unexpected To Fall💗Where stories live. Discover now