Chapter 9

41 0 0
                                    

   9

[Ben’s POV]

“Oy Max, type mo si Alison?” tanong ko kay Max habang nasa room kami. Wala pa kaming teacher, last subject na eh. Konting tiis at pag fifteen minutes late sya ay aalis na kami.

Nagsmile lang siya sa akin. Tapos nagtanong. “Bakit? Type mo rin?”

Oo nga, do I like her? Ewan ko lang. Basta, hindi ko maexplain feelings ko whenever malapit siya. Pero… Aish! ‘wag nga. Kung anu-ano pumapasok sa utak ko oh. Hindi ko na rin sinagot si Max. Wala din naman syang sagot sa tanong ko eh. Why bother?

“Excited na ako sa Thursday. Makapunta kaya siya?” sabi ni Max.

“Ewan ko lang. Pero siguradong pupunta ‘yun kung andun din si Rikka.”

“Ano nga ba ip-play natin? Kung andun si Rikka, duet ulit kayo. Gaya ng ginagawa natin tuwing andun si Ate Amu.” Sabi ni Max

“Oo nga. Tatanungin ko nalang siya sa kakantahin sakaling sumama sya.”

“Sige-sige.” Napansin kung may katext sya at nakita kong si Ali pala. Ano ba naman ‘yan. Ang dali ata nilang naging close. Grabe ah. Pero teka? Ano naman ngayon? Haaaay. Teka,

“Oy, pre. Ano bang number ni A-ali?” bigla kong natanong. Ano ba naman ‘yan.

“Tagal na kayong magkakilala, hindi mo nakuha number niya? Ang slow mo pre. Hahahaha.” Okay tinawanan niya ako. Eh ano naman kung nanghihingi ako ng number?

“Gusto mo number niya? Sige. Magpapaalam lang ako sa kanya. Sabi niya kasi ‘wag ibibigay number niya kahit kanino eh.” Anooo?! Hindi. Hindi pwede. Nakakahiya.

“’Wag nalang.” Sabi ko na poker face.

“Ay naku! Nasend ko na. Hindi mo kasi sinabi agad. Sinabay ko na kasi sa reply ko eh.” Sabi niya.

Okay. Imaginary face palm.

[Alison’s POV]

HAHAHA. GANOOON? Ba’t hindi ka kasi tumingin sa dinadaanan mo? Hahaha  - Max

Nagtetext nga di ba? Haha.  – Ako

Hahahaha. Nakatext mo lang ako, mali na napasukan mong room. Hahahahahaha  -Max

Oy, ang kapaaaaaaal mo! Hahaha. Eh may nagtext din naman na iba noh.   –Ako

Katext ko nga pala si Max. Nakakainis! Dahil nakatutok lang ako sa phone ko habang nagmamadaling lumakad sa room ko, hindi ko namalayan na maling room pala ang napasukan ko. NAKAKAHIYA! Andun pa naman ‘yung professor nila. Sa katabing room pa pala room ko. At hindi lang naman talaga si Max katext ko eh. Pati naman si Logan at Jemma.

Buti naman at wala pa ang professor namin. Ilang minuto lang ay sinabi na ng kaklase namin na tumatambay sa corridor na parating na si Sir. Kaya, nireplyan ko nalang si Max na magstastart na ‘yung klase namin.

Isang oras na ang lumipas at maaga kaming pinalayas ni Sir dahil next meeting na daw ‘yung next topic. I checked my phone kasi nafeel kong nagvibrate ito kanina habang may klase dahil sa bulsa ko lang nilagay.

4 messages received

Kay Logan galing ang isa, at kay Ate Rikka naman ang isa.

Galing kay Max ang dalawa, sabi:

            HAHAHAHAHAHAHA. (‘yun lang first reply nya.)

            Cge2. Makinig ka na sa guro. TYL! ( second reply.)

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon