Chapter 20

26 0 0
                                    

Chapter 20

“Bespren, samahan mo muna ako. PLEASE.” Sabi ni Logan.

 “Oo na nga.”

 “Yes!” he kissed me sa cheek.

 Ganito talaga to eh. Ewan ko na lang kay Amanda bakit nya ba to sinagot eh bigla-biglang nanghahalik sa cheeks. Hahaha. Pero syempre, suportado ko relationship nila.

“Kita tayo mamaya.”

 “Oo na, sige na.Late na ako sa class. Pasalamat ka at wala akong klase mamaya.”

 “Paalam, bespren!”

I bid goodbye. Nagpapasama kasi sakin para bumili ng regalo para kay Amanda. Birthday kasi ni Amanda next week, Thursday.

Since wala din naman akong klase mamaya kasi nagkasakit raw professor namin, sasamahan ko na muna sya. Si Amanda kasi may practice pa.

I was walking through the hallway at bigla kong nabunggo si Max, LITERALLY. Yung sa may corner kami nagkabungguan. Hindi ko kasi masasabing may taong papunta sa direksyon ko dahil sa wall.

 “Ow.”

 “Sorry,” sabi nya. “Ali ikaw pala.”

 “Oo Max. Sorry din nagmamadali kasi ako.”

 “Ayos lang. Sige, kita tayo mamaya.”

 “Sige, bye. Mauna na ako.”

Umalis na din ako at saktong nakabukas nag elevator kasi may professor na sasakay. Sumakay na din ako kasama ang iba pang estudyanteng naki-hitch. Hehehe.

Andito na ako sa room. Maingay pa classmates ko dahil wala pa yung professor. Pero natigil din ito nang nakarating na.

“Okay class, prepare a one-half crosswise paper. Answer this essay – since I woke up on the wrong side of my bed. I’ll be a sadist. Forgive me. Hehe.” Sinulat nya ang question sa white board. Grabe, pagkapasok nya essay agad?

 “Jem, hati tayo sa papel mo. Hehe.” Sabi ko kay Jemma. Naiwan ko kasi papel ko sa bahay eh.

 “Sige-sige.” She cut the paper in half ang gave the other half to me.

 “Well, to make it up to you; after you answer, you may go. No laboratory for today since we’re ahead of schedule.” YEY!!

Nag-answer na din ako. Medyo mahirap lang kasi ewan ko ba dito sa chemistry na ito. ANG HIRAAAP!!

After 25 minutes, natapos na ibang kaklase ko sa pagsagot. Ang bilis nila grabe! Ako, nag-iisip pa kung anong isusulat ko. Ano ba naman kasi explanation sa kung bakit at paano itong chemical bonds nangyayari. Cite examples pa. Huhu.

Then, after almost an hour (which seemed like a day), natapos na rin ako. Sana naman tama yun. Konti na lang kaming naiwan na sumasagot.

Sabay na kaming lumabas ni Jemma and we headed downstairs.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon