Chapter 30
“Ali, I’m sorry. Hindi ko naman kagustuhan na hiwalayan sya eh.” Sabi ni Amanda. Umiiyak sya ngayon. Andito kami sa bahay nila. Ang sabi nya kasi sakin eh dito nalang kami mag-uusap since personal ito na bagay.
First time ko nga pala makapasok sa loob ng kwarto nya. Kahit wala na sila ni Logan, andito pa rin sa bedside table nya ang pictures nila. Ang sweet. Naka-akbay si Logan sa kanya at nakuha pa sa litrato kung gaano kasaya sila at nag-b-blush si Amanda.
“Ano pala ang nangyari?” pagtanong ko.
“Wala naman eh. Mahal ko naman talaga si Logan.”
“Bakit ka nakipaghiwalay?”
“Kasi Ali, aalis ako. Lilipat na kami ng parents ko.”
“Saan?”
“Sa London. Kukunin kasi kami ng tita ko na nakitira dun. Doon na kami titira. Hindi pa din ako sigurado kung makakabalik kami dito.”
“Talaga? Pwede naman siguro mag long distance relationship diba?”
“Pwede naman Ali eh, kaya lang,”
“Kaya lang ano?”
“Hindi kasi ako sanay sa long distance relationship. I just… I don’t know. Basta ayoko ng long distance relationship.”
“Wala ka bang tiwala kay Logan?”
“May tiwala naman ako. Mahirap lang kasi eh.”
So ano, hindi naman daw sa wala syang tiwala kay Logan. Baka sa sarili nya? Ano ba?
“Hindi rin naman sa wala akong tiwala sa sarili ko. Syempre, mahal ko naman si Logan. Ayoko namang mag-cheat noh. Basta Ali, mahirap talaga. Given, hindi pa sigurado kung makakauwi kami dito sooner or later. Baka kasi dun na talaga kami titira. Magmimigrate na kami.”
Sabagay, mahirap talaga ang isang long distance relationship. Ewan ko din kung makakaya ko. At I think the longer kayong magkahiwalay, unti-unting maglalaho feelings nyo sa isa’t-isa kahit may technologies ngayon for communication. But still, I think I understand.
“Pero bakit mo naman sinabi kay Logan yung tungkol sakin?” hindi ko alam paano itanong.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Bakit mo ako tinutuklak kay Logan? I mean, alam mo naman kung ano ang turingan namain sa isa’t-isa diba? Bakit mo pa ba kailangan gawin ’yun?”
“I’m so sorry, Ali. Hindi ko kasi alam paano ko sya makumbisi na iiwanan ko na sya. At alam kong kung kayo magkatuluyan sa huli, I know his in good hands.”
Aww. Grabe naman ang tiwala ni Amanda sakin. Pero kahit na. hindi ko talaga nakikita sarili bilang lover ni Logan. Kung kapatid, well, dun lang talaga.
“Ew. Amanda naman eh. Kapatid ko lang talaga si Logan by heart. Hehe. Hindi ko maiimagine maging kami. Mas maiimagine ko pa ang kasalan nyo kesa samin.”
She gave a weak smile. Pero makikita mo din na she missed Logan at mahal nya pa rin ito nung sinabi ko.
“Mas okay pa kasi kung kayo eh. At hindi ba sa movies o books, yung magbest friend naman talaga ang nagkakatuluyan?”
“Amanda naman eh. Ibang istorya naman yang sa movies eh. Gawa-gawa lang yan. Nasa reality tayo ngayon oh. We write our own stories at tayo ang bida.”
“Ano ba ang gagawin ko? Hindi ko talaga alam kung ano ’yung dapat na gawin. Mahal ko pa sya pero ayoko namang aasa sya kasi magkalayo kami. Hindi naman pwedeng every year na lang akong uuwi dito kasi mahal naman ang pamasahe eh. Hehe.”
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall (Completed) (Editing)
ChickLitAlison Mendez is a hopeless romantic. What will happen to her life sooner or later? Hmm....