Chapter 32
“Hindi mo naman kailangan sabayan ang joke ng parents ko noh.” Sabi ko kay Ben habang nag-d-drive pa kami.
“Anong joke?”
“Y-yung ngayon.”
“Ano bang ibig mong sabihin?” tanong nya at naka-smile. Eh alam nya naman ang ibig kong sabihin eh.
“Yung sa kanina.”
“Ngayon tapos kanina? Hahaha. Ano bang meron? At alam mo, bagay naman talaga sayo kahit anong suot mo… A-ang ganda mo nga eh.”
“Asus. Ayan ka na naman. Pero sa ngayon, tatanggapin ko muna yan kaya salamat. Hahaha.” He chuckled.
“Totoo naman ah.”
“Ewan ko sayo. Eh bakit mo pa nga kailangan sabayan ang joke ng parents ko. Y-yung tungkol sa… sa d-date. Kasi, hindi mo naman kailangan gawin ’yun. Trip lang kasi nila ’yun.”
“Bakit? Masama ba? Ayaw mo bang magdate?”
“Eh kasi… kasi naman alam kong hindi naman talaga ito date eh, diba? Pasyal lang.”
“Well, pasensya na pero it’s official. Pumayag na din naman sila i-date ka kaya date tayo ngayon.”
Hindi ko alam anong dapat na gawin. Ako ba’y tuluyan ng mahuhulog o ihinto na ’tong feeling ng nahuhulog? Kasi baka friends lang talaga sa tingin nya kami. At isa pa, baka nga kapatid ko sya; pero slim ng chance. Still, I won’t close that possibility.
Nakarating na kami ng mall at ewan ko ba kung anong gagawin namin dito except sa kumain. Haha. Pagkain agad ang hanap noh. Haha.
Wala pa namang masyadong magawa kaya nag-window shopping na lang muna kami habang nag-uusap.
“Hindi ba’t parang something kasi naka-dress ako?” tanong ko sa kanya.
“Anong meron kung naka-dress ka? Ano ba yang something na ’yan?”
“Eh kasi, parang ang OA lang. Hindi ko naman kailangan magdress.”
“Ayos lang talaga ’yan. Bagay na bagay talaga sayo. Ang ganda mo.”
“Si mama naman kasi. Buti nga’t hindi ako pina-heels kasi hindi ako marunong lumakad nun. Haha.” Alam mo bang sinuot kong sapatos ay sneakers. Sneakers in a dress. Haha.
“Date kasi natin kaya, syempre ganun lang siguro ang mga ina. Hehe.”
Eto na naman ang butterflies sa tyan ko everytime nagmemention ’yan sya ng word na ’date ’. Pula na naman itong mukha ko.
“Err. Grabe naman.”
Magkadikit kaming naglalakad at paminsan-minsan ay nababanga ang mga kamay namin. Waaaaaaah. Ben naman eh. Peron g ilang sandali, hinawakan nya yung kamay ko. OH MY GOSH!! OMG! OMG! Tinignan nya ako at nagtanong “Maari ba?”
“Ah… Eh… I…” oo? Huhu. Ang warm ng kamay nya. Mainit na din ’yung feeling ko. Kinakabahan na ewan. At gusto ko sanang sabihin na hindi kasi PDA ito. Pero may boses sa loob ko na nagsasabing hayaan mo na, ngayon lang naman. Ano ba dapat.
Ngumiti lang sya. Ako naman, ay nagsmile sa kanya at dahan-dahang yumuko. Ang pula na siguro ng mukha ko ngayon. Bakit pa naman kasi may ganitong eksena? Ang OA lang ha.
Ba’t ba dami kong nabanggit na ’OA ’ na word ngayong araw? Ang OA lang talaga. Hahaha.
“B-bakit ka nga pala pumunta ng bahay?”
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall (Completed) (Editing)
ChickLitAlison Mendez is a hopeless romantic. What will happen to her life sooner or later? Hmm....