Chapter 29

12 0 0
                                    

Chapter 29

*plok!

1 message received

From: Amanda

Ali, kita tayo tomorrow after ng klase mo. 3 ka matatapos diba?

 

To: Amanda

Oo. Sige. Saan tayo magkikita?

I received a reply from her sinasabing,

Sa plaza na lang na malapit sa inyo.

Ok. – me

Nasa school pa ako ngayon. Mamaya pang 6 matatapos ang klase ko eh. Sakit ng ulo ko sa Chemistry exam namin. Grabe! Nosebleed ako dun. Ang hirap hirap hirap like a million times.

Two hours yung exam namin kasama na ang lecture at laboratory. Piniga talaga ng chemistry utak ko. Medyo maaga pa naman for my next class kasi 4:30 pa lang. uuwi na lang muna ako.

“Alison!” sigaw ng isang babae.

Hinanap ko kung saan nagmula ang boses. Sa isang kiosk, si ate Rikka nakaupo kasama si Drake. Kumaway ako at pinuntahan sila.

“Hello te Rik! Drake!” pag-greet ko.

“Kumusta na ang ankle mo?” tanong ni ate Rikka.

“Okay naman siguro. Hehe. Pero may sakit pa din ng konti eh.”

“Ah. Naku. Saan ka ngayon?”

“Uuwi sana ako.”

“Wala ka bang klase?”

“Mamaya pa eh.”

“Sama ka na lang muna samin.” Pagyaya ni ate.

“Ay baka lalakad kayo. Mahihirapan ako kasi may sprain pa din.”

“Hindi naman tayo maglalakad. Dito lang, kwentuhan. Namiss kita eh.”

“Asus, kahapon lang nga tayo hindi nagkita eh.”

“Kahit na. hindi tayo masyadong nagkwekwentuhan kasi naging busy ka sa tournament these past few days. Ngayon ako naman mabubusy dahil graduation na.”

“Oo nga noh. Gagraduate ka na pala.”

“Ahem andito din ako noh.” Pagsingit ni Drake.

“Hahaha. Andito ka pala Drake! Hehe. Joke. Congrats sa inyo.”

Both nanlaki ang mga mata nila. Akala siguro the other thing yung kinonggrats ko. Hehe. Sila na ba?

“I don’t mean the labidabi thing ha. Hahaha. Graduating kayo eh. Pero yung totoo, kayo na ba?” tanong ko sabay taas-baba ng dalawang kilay. Tinignan ko si Ate Rikka tapos si Drake.

“Bakit hindi mo tanungin si Rikka.” Sabi ni Drake.

“Whatever, Drake. Kung hindi mo kaya edi wag.” Sabi ni ate Rikka.

“Kakayanin ko noh.” Pagdepensa ni Drake.

“Hahaha. Oy, wag kayong mag-away. Kung mag-aaway kayo, labas na ako dyan ha.” Sabi ko naman.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon