Chapter 37
(Ben’s POV)
“Graduates, prepare for the entrance.” Sabi ng coordinator ng graduation.
“Ben, pwesto na sa likod ni Ray.” Sabi Christian.
Hindi kasi ako mapakali. Hindi pa kasi sya dumadating eh. Asan na ba ang babaeng ’yun? Magsisimula na o. Muli kong tiningnan ang direksyon kung saan naka-upo ang pamilya ko. It’s the same. Si mama katabi si ate at si ate katabi si papa.
Sabi kasi nina mama na pupunta si papa sa graduation ko. Ayos lang daw sa kanya at sa legal na pamilya na. It’s just one day. Isang espesyal na araw sa akin at ang bait naman talaga ng Panginoon dahil once again, naging complete ang pamilya ko. Kaso, hindi ko pa nakikita ang isang taong espesyal din sa buhay ko.
“Start na.” sabi ulit ng coordinator.
Nagsimula na ang graduation march na tugtog at mag-aannounce na ang entrance ng graduates. Pumunta na ako sa linya ko since pang apat ako since letter A apelido ko. Heto na.
***
(Alison’s POV)
Hay naku! Ba’t ba ang daming sasakyan ngayon? Kaya eto tuloy, malalate na ako. Rinig ko na ang tugtog ang martsa. Dali-dali na akong pumasok. Asan ba sila?
Hinahanap ko ang room baka makita ko si mukha ni Ate Amu o kaya nng mama nya o si Andrea. Hmmm. Asan kaya. Hmmm. Ayun! Sa may right side ng gym, doon naka-upo silang dalawa. Dali-dali akong pumunta sa kanila para umupo.
“Hello po, ate.” Pagbati ko ng nakarating na ako. “Good morning po, tita.” Sabi ko at nag mano.
“Ahem.” Sabi ni ate Amu at tinuro ang lalaki sa tabi nya gamit ang mata at bibig lang nya.
“Ahh Good morning po.” Tapos nagmano ako.
Sino ba itong lalaking ito? Ngayon ko lang sya nakita. Ay, baka boypren ni ate? Ay Malabo. Matanda na kasi ito, kasing edad ng mama nila. Ay OO nga! Papa siguro ito ni Ben. Ito talaga siguro.
“Ladies and gentlemen, the graduates.” Sabi ng emcee.
Tinignan kong lumakad ang mga graduates sa gitna. At spotted ko si Ben. Pang-apat sa mga nag-martsa. Ang gwapo nya. At tumingin sya sa direksyon namin at ang tingkad ng ngiti. Parang nakakita ng anghel. Hiya naman ako pero kinaway ko na lang ng pahiya din. Hehe.
Hindi mabura ang ngiti nya ah. Kanina pa sa pag march hanggang sa upuan nila. Haay Ben. Ang tingkad mong panoorin. Kung pwede nga lang, sya papanoorin ko kasi laging nakasmile; nakakagaan sa feeling.
Nagstart ang seremonya ng invocation tapos yung National Anthem. Nang dumating na sa bigayan ng diploma, lahat na sila ay nakaready para umakyat.
“Matthew B. Abansado. Audric A. Acenas. Ray Michael C. Adajar. Ben Jacob E. Alcantara. Christian James C. Aved….” Tawag isa-isa para umakyat sa stage.
Umakyat si Ben at kinuha ang papel tapos ngumiti ng matingkad sa gitna ng stage (probably for picture-taking) tapos nag bow. Bumaba sya at nang makarating na sa seat nya ay tumingin ulit sya sa amin at ngumiti. Tinignan ko family nya at kitang-kita ang pagka-proud nila sa kanya. Napalaki din ang smile ko.
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall (Completed) (Editing)
ChickLitAlison Mendez is a hopeless romantic. What will happen to her life sooner or later? Hmm....