Chapter 16

34 0 0
                                    

16

“Crush? Eh hindi ko pa alam eh.” Sabi ko

“Bakit naman?” tanong ni Ate Amu.

Nakakahiya naman kasing sabihin kong parang… parang crush ko na yata kapatid nya eh. Parang lang naman. Hindi pa sigurado diba? At mukhang hindi naman ako type nun. Nagkataon lang yung kanina. Ewan ko nga pero mukhang nahuhulog na ako sa kanya. Pfft. Labo ko.

“Ewan ko lang. Hehe.” Oy ayoko ko pa talaga magkaboy friend.

“Nakooo. Palihim ka pa. Eto, sa banda, sino type mo? O kaya na gwagwapuhan ka?”

Ehhh….. Ayokong sumagot. Parang ang weird sa feeling na pumipili. Hindi naman sila dapat pagpilian kasi iba-iba sila.

“Si Max?” tanong nya.

“Si Max? O-okay naman po sya. Funny at gwapo din naman. Pero hindi eh. Hehe.” Totoo naman ah. Pero wala akong na fifeel sa kanya. Lagi syang tumatanong sa bawat isa sa kanila.

“Eh… Si Ben?” Bogsh! Nakakahiya talaga. Kung magpretend na kaya akong tulog? Hehe. Dim naman yung light. With a fake snore pa. O diba? Pero hindi ako marunong magsnore eh.

“Nako ‘wag ka munang magtulog-tulugan dyan. Hahaha. At napansin ko ring magkahawak kamay nyo kanina papunta dito. Hahahaha.” Ano ba, mind reader lang? At nakita nyang magkahawak kami ng kamay? Errr.

“Ahh.. Eh... wala naman po yun, nilalamig kasi ako at bigla nyang hinawakan kamay ko.” I can really feel something in my stomach ang my cheeks turning red.

“Haha. Okay lang yun. So, ano ba?”

“Eh… Okay naman talaga si Ben eh…”

“Talaga? So, crush mo?”

“Uh—“

Naputol ang pagsalita ko. Buti naman. Hindi ko talaga alam ang sasabihin.

“Girls! Look at these oh. Ang ganda diba?” sabi ni Rikka habang pinapakita nya yung buhok ni Amanda na brinade nya. Kanina pa rin sila dito sa kwarto pero hindi sumali sa usapan namin ni ate Amu dahil busy sila sa pagchichika at braid.

Nag-on ng lamp si Ate na sa may side namin. ’Yung ilaw lang kasi kasi ang nakapatay kasi nga busy si Ate Rikka sa pag-braid ng hair ni Amanda.

“Ang ganda nga! Ba’t ngayon mo pa brinade eh gabi na, matutulog na tayo?” tanong ni Ate Amu.

“Okay lang yun noh.”

“Oo nga, para na din parang kumulot buhok ko pag-gumising ako bukas. Hehe.” Sabi ni Amanda.

“Galing mo Ate Rik.” Sabi ko.

“O sya, matulog na tayo. Ate, saka mo muna tanungin si Ali nyan. Hahaha. Mukhang,” tinignan nya ako at natawa. “nahihiya pa. Hahahaha”

Hay salamat. Pero tinawanan din ako. Ate, yung totoo? Kinakampihan ako o ginugudtaym? Ayun hindi na muna nagtanong si Ate Amu at natulog na kami. Yung girlfriend pala ni Lloyd na si Kim ay dito rin natulog, kakapasok nya lang din sa kwarto.

***

“Tara! Spike mo Ate Amu!” sigaw ni Logan sa kanya.

Naglalaro pala kami ng volleyball ngayon sa beach pa din. Magkakampi sina Logan, Ate Amu, Lloyd at Ate Rikka. Kami naman nina Amanda, Ben at Drake magkakakampi. Si Brad ay aming referee. Nanonood lang din si Jade sa tabi.

Nakaka 13 na kami at 15 naman sa kabila. Okay lang naman din ah. Minsan, sa service( na mostly kay Amanda) kami natatalo. Pero okay lang yun, hindi naman sya mahilig sa sports at least nakakapoints din.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon