Chapter 28

28 0 0
                                    

Chapter 28

First Saturday of February na.

Last game for the season. Last naming makakalaban ni Shey ay ang Salas University. Fighting for championship na kami. Nanood ang buong family at yung mga friends ko.

The crowds were cheering. Marami-rami ang nanood ngayon since weekend ngayon at maraming supporters na makakapunta.

Sa may right ng court nakita ko yung head ng atlethics department kasama ang dalawang p.e. instructor kinakausap nila si coach. Kami namang lima ay nag-wa-warm-up sa game. Unang maglalaro yung doubles sa mga lalaki fighting for third sina RJ at Mike. Kami naman, yun nga, fighting for first pati si Jason for singles division.

*priiiiiit

Pumito na at nagready na kami for the game. Since hindi pa kami maglalaro, nanood muna kami sa game ng men doubles. Todo support kami sa team namin syempre sigaw ng sigaw.

Ang players, palo dito, palo doon. Ang galing ng team namin! Haha. Bias. Go go go team! At yun na nga. Natapos din ang laro, klarong-klaro kung gaano ka importante sa both team ang manalo sa larong to pero may nag-iisa talagang nanalo.

Sa score na 2 points lang ang sobra, panalo kami! Yey! Bahala na kung third basta nakalaro, nag-enjoy at naka-place naman. Ang lalakas talaga ng palo ng mga lalaki.

Inanounce na ang winner at it’s our turn to play na naman. On the left side of the court, rinig na rinig ko ang sigaw ni ate Rikka. Nakita ko rin si Logan na mukhang tahimik lang na nanood. Hinayaan na lang si ate Rikka na sumigaw. Haha.

It was our turn. Grabe, kinakabahan ako. I know doubles ito pero still, kinakabahan ako. Wala naman sigurong player na hindi kinakabahan hindi ba? Maliban na lang siguro kung sinasabotage nila ang game. Ang OA naman kung may ganun.

Tinawag na kami at pumito ang referee. Nasa kabila ang unang service. Magaling, dahil nakuha ni Shey ang unang tira nila at nag-exchange kami ng shuttlecock hanggang sa… 1 point sa kontra.

Kakayanin!

Nagpatuloy-tuloy ang laro hanggang sa nakahabol kami sa score ng kalaban 15-17. At hanggang sa...

“Aray.” Sabi ko. Hindi ko napansin na sobra pala yung takbo ko. I sprained my ankle. Ang sakit talaga. Hindi ko masyadong nakaya. Nagtime-out na din muna si coach.

“Ali, masakit pa ba?” tanong ni coach.

“Medyo po.” Masakit talaga. it’s been awhile na nagka sprain ako. Pero kakayanin ko.

“Makakalaro ka pa ba?”

“O-opo. Kayanin ko po to.”

Tinatry kong ilakad yung paa ko. Medyo masakit pa sya pero kailangan ko tong tapusin. Nang malakad ko ng konti, hindi na sya masyadong masakit.

“Wag ka na lang masyadong magtatakbo. Shey, kung pwede mong magawang tumakbo from your side at sa front, gawin mo. Ali, dun ka lang palagi sa likuran since medyo malakas ang tira mo. Shey, Ali, teamwork ha?”

“Opo.” Sabay naming sagot.

“Okay. Ali, ipatingin natin matapos ang laro. Pero, sigurado ka bang hindi mo ipatingin ngayon?”

“Mamaya na po, coach. Okay lang po.”

“Sige. Galingan nyo. Enjoy the game.”

With that, pumayag na ang lahat na ipagpatuloy ang laro. Pumito na ang referee. Ang hirap humabol ng shuttlecock na sumasakit ang ankle.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon