Chapter 39

38 0 0
                                    

Chapter 39

Same place pa rin kaming dalawa. Ang sarap pala sa feeling malaman mong pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t-isa. Kaya nga, napaisip din ako na salamat sa daldal kong ito, nalaman nya at sa bandang huli, napasabi din sya.

“So, tayo na?” tanong ni Ben.

“A-ano?! Sinong may sabi? Wala akong sinabi na ganyan ha.” Wala naman talaga. Aba, hindi pwedeng agad-agad ha. Ligaw muna. LIGAW.

“Haha. Well, can I ask you something?”

“Ano yun?”

“Maari ba akong manligaw?”

“Ah. Eh. I…” paano ba dapat sumagot? “O… u?”

“Sigurado ka?” I just nodded and try to hold my smile. Tapos ang tingkad ng ngiti nya.

“Pero, kung gusto mo manligaw, punta ka sa parents ko din noh. They need to know.”

“Oh. They know.”

“Anong ibig mong sabihin?” ngayon ko nga lang alam tapos alam na nila? What in the world is happening? Haha. Pero bakit napaka manhid ko naman to not know and notice anything.

“Remember nung pumunta ako sa inyo ng maaga? Nung nagkasama tayo? Nung bigla mong nasabi na crush-“

“Okay, ssh. I get it. So?”

“Hahaha. It was that time. Kaso hindi ako pinayagan ng papa mo. Gusto nya kasi pag graduate na tayo. gusto pa nga sana nya pagmakapag-graduate ka. Pero sabi ko naman hihintayin kita.”

Awww. So sweet. Talaga bang maghihintay sya? Pwes, isang taon akong magpapaligaw para sure na graduate na ako. Kami. Hahaha. But it depends.

“Oh. Ba’t hindi nyo sinabi? Eh bakit ka manliligaw ngayon eh hindi pa pwede.”

“Yun na nga eh. Nakipag-usap ako na kung pwede after graduation ko. He was hesitant at first pero he gave in at sinabing nasayo din naman ang desisyon.”

“Ahh.”

“Alison,” sabi nya. Magkatabi na kaming umupo. Kinuha nya kamay ko at pinaglalaruan ang fingers ko. Tinitignan nya ako sa mga mata. Ang ganda ng mga mata nya. “Gusto ko lang malaman mo na gusto kita. Una palang kitang nakita alam kong may madedevelop sakin eh. Hehe. Napamahal ako sayo.”

“Ben…” oy hindi pa tayo. Ano ba? Hintay ka nga dyan. Pero kinilig ako! Haha.

“Suot mo parin pala itong bracelet. Pasensya hindi ko personal na nabigay sayo. Nahihiya talaga ako.” Sabi nya at pinaglalaruan ang bracelet sa wrist ko.

“Sayo pala 'to?” muntik ko ng makalimutan ito. Hindi ko pa nga kilala sino nagbigay. Now I know. Hehe.

“Oo. Gusto mo ba?”

“Oo. Salamat ah. Hindi man lang kita napasalamatan noon. Hindi ko kasi kilala sino eh.”

“Walang anuman. Bagay sayo.” Napasmile naman ako. “Ay! Naalala mo ba si neeb101?”

“neeb101? Oo. Kilala mo ba ’yun? Teka… i-ikaw ba ’yun?”

He smiled and nod.

“Talaga? Pinagtitripan mo naman ako eh.”

“Hindi ’yun trip noh.”

“Paano mo ba nalaman account ko?”

“Kailangan pa bang itanong ’yan?”

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon