Chapter 26
“Gising na Ali. Mala-late kana oh.” Sabi ni Mama.
“Anong oras na ba? Hindi pa nag-aalarm phone ko eh. Mama naman.”
“7 na. Dalian mo na.”
ANO?! Talaga? Tinignan ko phone ko. Oo nga noh. Huhu. Pwede bang umabsent na lang muna? Kahit ngayon lang. Antok pa talaga ako. Tulog muna ako. Hehe.
“Absent na lang muna ako ma. Hehe. Late na din naman kasi.”
“Ano? Pumasok ka.”
“Kahit ngayon lang ma. Please?” I pleaded.
“Naku Alison…” sabi ni mama. Hindi pa talaga ako bumabangon. She sighed. “Basta ngayon lang ha?” she finally gave up.
“Opo.”
“Pero pumasok ka sa next class mo.”
“Opo.”
“Sige. Nagluto na ako. Kumain ka lang at sabay na kayo ni Bogs.”
“Sige po. Matulog na muna ako.”
“Sige. Basta pumasok ka. Mauna na kami.”
“Okay.”
Natulog ulit ako. At sinigurado kong mag-aalarm yung phone ko. Mga 50 minutes akong natulog at nag-alarm yung phone ko. Bangon na ako at maligo.
“Ba’t andito ka pa?” tanong ni kuya.
“Napahimbing tulog ko eh. Hindi ko pala napa-alarm phone ko.”
“Sus.”
“Maligo muna ako. Sabay na tayong umalis ah.”
“O. dalian mo.”
“Oo nga.”
First day of class for the new year ngayon. Sana naman hindi na paulit-ulit na manghingi ang mga teachers ng New Year’s resolution. Hindi ko rin naman yun lahat natupad. Hehe.
Last New Year, sama-sama pa rin kaming pamilya na nagcelebrate. Pero kami lang na family wala na sila tita kasi sa kanya-kanya families din sila nag-New Year. Mas maingay ang New Year at the same pa rin ang nangyari sa Christmas. Tumawag din yung bumati sakin dati pero ngayon, si Max nakatawag na. hehe.
Natapos na akong magbihis. Punta na ako sa kusina para kumain.
“May practice ka ba ngayon?”
“Oo. Sunduin mo ko ha?”
“Si Logan? Hindi ba kayo sasabay?”
“Baka maiinip na yun sa kakahintay noh. Nakakahiya naman. At palagi na lang akong sumisingit sa dalawang yun. Hehe.”
“Well, sabagay. Sige na nga. Si Ben?”
“Bakit anong meron?”
“Hindi ba sya pwede?”
“Ewan ko. Nakakahiya din naman. Alam mo kuya, kung ayaw mo eh di magjejeep nalang ako noh.”
“Nagtatanong lang naman.”
“Asus… haha.”
I brushed my teeth at umalis na kami. May bagong car si kuya na regalo sa kanya nila lolo. Isang Suzuki Swift. Iba talaga basta panganay at lalake noh? Nakakainggit pero okay na rin at least makakasakay ako.
BINABASA MO ANG
Jump Then Fall (Completed) (Editing)
ChickLitAlison Mendez is a hopeless romantic. What will happen to her life sooner or later? Hmm....