Chapter 21

29 0 0
                                    

Chapter 21

Matapos naming kumain ay unti-unti ng nag-aayos at nagpeprepare para sa class yung iba. Since wala pa akong klase, sasamahan ko muna si Logan mamili ng ireregalo nya kay Amanda.

 “Sige guys, may lakad pa kami ni bespren. “ sabi ni Logan.

 “Saan kayo?” tanong ni Ben.

 “Oy, sama naman kami.” Sabi ni ate Rikka.

“Hahaha. May klase ka pa ate. Maghahanap lang naman ako ng pangregalo para sa kay Amanda. Nagpapasama lang ako kay Ali.”

“Gusto ko sanang maghanap din,” Sabi ni ate Rikka at nagpout. “Sige na nga, may klase pa ako. Babye friends! Kita tayo mamaya ha?”

“Oo. Sige, babye!” sabi ko at nauna na syang umalis at nagmamadali. Malapit na kasi 1:30 kaya nagmamadali na sya. Mamayang 4:30 pa naman class ko kaya pumayag akong sumama.

 “Log, saan kayo pupunta?” tanong ni Max.

 “Sa A-mall na muna siguro. Di pa tiyak eh.”

 “Ganun ba?” sabi ni Max “Gusto ko sanang sumama pero may lakad din ako. Kita na lang tayo later. Sige mga pre, crush… Alis na muna ako. Bye!”

 “Sige crush, Bye!” sabi ko naman.

 “Ben, 4:30 ka pa din diba? Gusto mo sumama?” tanong ni Logan kay Ben.

 “Oo nga, Ben. Sama ka na.” pagyaya ko. Oy, wag nyong masamain. I just wanted him to go with us para hindi sya loner noh; hindi dahil sa gusto ko sya. Well, gusto ko syang makasama pero hindi talaga kami pwede eh. Feeling na kung feeling. Ewan ko lang.

 “Sa susunod na muna. Hehe. May lakad pa din naman tayo sa sabado kaya okay lang. S-sige.”

“Sure ka/sigurado ka?” sabay naming tanong ni Logan.

 “Oo. Hehehe.”

 “Okay. Sige pre.”

 “Bye!” nagwave ako sa kanya at ganun din sya.

We go on our separate ways. Lumakad na kami ni Logan papuntang kotse nya. Dito ako ngayon sa shotgun seat.

“Anong klase regalo ba gusto mong ibigay?” tanong ko kay Logan. Nagmamaneho na sya.

 “Hindi ko pa alam. Kaya nga kita sinama para may second opinion.”

 “Eh kahit idea man lang.”

 “Gusto ko kasi sweet at romantic ang dating para sa kanya.”

 “Hmm… ano kaya…” sabi ko habang nag-iisip.

 “Baka may idea ka jan bespren, tulungan mo naman ako.”

 “Oo nga. Wait, mag-iisip muna ako.” Ano nga ba magandang ibigay sa babae? Ang hirap pala noh? Kung ako naman nasa posisyon ni Amanda, anong regalo gusto kung makuha? Hmm…

Kung ring, okay naman ah pero parang something, ewan ko ba. Kung panyo, sabi nila kung binigyan ka ng panyo ng boyfie o girlfie mo ay paiiyakin ka lang. Ganun ba yun? Wag na lang. Kung bracelet, mukhang nabigyan na ata ni Logan si Amanda on her debut.

So, necklace na lang. Maganda naman yun eh. Lalo na pag-ibinigay sayo yun ng lalaki at sya pa magsusuot sayo. Ayiee! Ang hilig ko talaga sa mga movies. Hehehe.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon