Chapter 12

37 0 0
                                    

12

[Alison’s POV]

“ALISON C. MENDEZ!! Gumising ka na daw!” sigaw ni Nate habang nasa loob ng kwarto ko. Kumpletong pangalan pa talaga? Pero sige na nga lang, ganun talaga kami magkakapatid minsan. At hindi ko rin naman nilolock kwarto ko maliban kun magbibihis or anything kaya madali lang makapasok.

“Oy ate, magsisimba na tayo. Nakaligo na kami ni mama. Maligo ka na raw.”

Tinignan ko sya pero busy papogi sa harapan ng salamin.

“Oy oy oy! Baka mabasag salamin ko sa kakatingin mo sa sarili mo ha.” I said sarcastically.

“Wag ka ng makialam, maligo ka na raw.”

“Oo na sir NATHAN MENDEZ.” I smirked and flew out of the room. Kakatapos lang ni papa maligo at inunahan ko si kuya sa banyo. Nyehehe. Busy pa kasi sa paghahanap ng susuotin kaya naunahan ko.

After ilang minutes or more likely an hour, nasa simbahan na kami. At after naman ng service for an hour and a half lumakad na kami palabas.

“Hi Ali!” sabi ni Ate Rikka.

“Hello ate Rik!”

“Good noon po.” Sabi nya sa parents ko.

“Oy Rikka, tagal na tayong di nagkikita ah. Hehe. Kumusta?” sabi ni kuya Bogs. Magkaibigan pala sila kasi sumasali din si kuya not until nagkatrabaho sya last year kaya hindi sya nakakasali.

“Ok naman. Ikaw?”

“Mabuti rin. Asan sina Ben at Drake?” tanong ni kuya. Magkakaibigan din pala sila, hindi ko lang alam kasi nung sumali ako, yun din ang time nagtatrabaho na si kuya. Nahihiya kasi akong sumali kaya si kuya na lang sumasali noon.

“Andun sila sa music room. Sila nagtutugtog ngayon eh.”

“Ahh.”

“Oo nga pala, sino pala yan si Ben?” biglang tanong ni papa. Oo nga pala, nagtanong din sya last Friday, nakalimutan ko.

“Ahh kaibigan ko po, pa. Bakit pala? Bakit nyo po naitanong?” sagot ni kuya.

 “Ahh wala naman. Sya kasi naghatid kay Ali sa bahay last Friday night. Gusto ko lang sya makilala at magpasalamat.” Sabi ni papa. Tumingin naman sa akin si kuya at dumilat ang mata. Ano namang meron?

“Bakit?” tanong ko sa kanya. Pero dedma lang sya .

“Ahh… Nasa music room raw ho sila pa.” sabi ni kuya.

“Ah sige-sige. Sa susunod na lang,” Sabi ni papa. “Pakisaba nalang sa kanya na gusto ko syang makilala.” Sabi naman niya kay ate Rikka. Nagnod and smile naman si Ate Rikka.

“Sige po.”

“Tara na. Lunch time na.” sabi ni mama.

Over talaga ni papa, nagkaroon lang ng kaibigan na naghatid once maliban kay Logan, bubusisain pa. hehe. Nakakahiya. Pero ok lang ‘yun.

Si Logan naman kasi kilala na nila papa kaya may tiwala naman sila. Para na din kasi naming kapatid si Logan kasi parents niya at parents ko friends. Pero hindi kami childhood friends ni Logan dahil minsan lang kami sinasama ng parents sa meet ups or any occasion. Naging close lang talaga kami nung pareho kami ng school at section nung high school. Siya na din naging first friend ko eh.

Nandito kami ngayon sa Jego restaurant. Hindi naman kasi mahal ang pagkain, masarap pa. Nagkukwentuhan kami while waiting sa food.

“Ali, ba’t ka nga pala hinatid ni Ben nung Friday?” tanong ni kuya.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon