Third Person's
Gaya nga nang napag-usapan ng magka-kaibigan kinabukasan nagkita-kita sila sa sakayan papuntang Batangas. Pupunta na sila sa Batangas pero ang isip ni Dynamite nasa bahay pa din natatakot kasi siya, baka dahil sa pag alis nila, may mangyari sa kanila at iniisip niya din ang kaniyang ama at kapatid.
Nakarating sila sa tutuluyan nila sa Batangas ng ligtas. Tahimik nga doon, bago sila pinapasok sa bahay may pinirmahan muna sila. Nakalagay sa kontrata kung hanggang kailan sila magrerenta. Nagulat si Dynamite dahil ang pinirmahan ni Ivana ay dalawang buwan, sobrang tagal para sa kaniya at hangga't hindi natatapos ang dalawang buwan hindi sila puwedeng umalis dito. Bantay sarado ang mansyon. Sila na bahala sa lahat basta magbabayad ka ng isang libo kada buwan.
Matapos nilang pumirma pinapasok na sila sa mansyon, marami ding nakatira halos isang daan na.
Ang mansyon ay may tatlong palapag. Sa bawat palapag may sampung kuwarto 'yon ang sabi ng nagpapasok sa kanila. Ang kuwarto ng tatlong magka-kaibigan ay iisa lang, sama-sama sila sa iisang kuwarto dahil iyon ang gusto nila.
Konti lang ang makikita mong pakalat-kalat sa mansyon dahil tanghaling tapat tulog ang karamihan sa kanila at busy naman ang iba. Mapapansin sa mansyon na luma na ito kaya kung titingnan mo talaga parang walang nakatira dahil sa sobrang tahimik. Nagtungo na ang magka-kaibigan sa kanilang kuwarto sa ikalawang palapag at sa mismong tapat ng hagdan ang puwesto ng kanilang kuwarto.
Dynamite's Point of View
Pagpasok palang namin sa mansyon parang may naramdaman akong kakaiba, nakakatakot ang mansyon hindi ako sigurado kung may multo ba o wala basta pakiramdam ko may nagma-matiyag saamin kanina pero noong lumingon-lingon ako wala naman dahil busy ang lahat sa kanilang mga ginagawa. May nagbabasa, nagsusulat, may naka- headset, may nag-uusap at may naglalaro sa kanilang cellphone.
Lahat sila parang walang pakialam sa paligid nila dahil may sari-sarili silang ginagawa. Maluwang ang sala pati ang kusina at may kuwarto din dito sa unang palapag.
Nandito na kami ngayon sa aming kuwarto sakto lang saaming tatlo. Pero nagtataka ako bakit ang tahimik ata ng dalawang kasama ko, may napapansin kaya sila?
"Oy anyare sa inyo tahimik niyo ata?" Tanong ko sa kanila, parehas silang nasa malapit sa bintana parang may tinitignan sila kaya lumapit ako.
Isang babae...
Isang tulalang babae ang tinitignan nila, naka upo lang siyang mag isa roon at parang wala sa sarili. Habang tinitignan namin siya biglang may lumapit sa kaniya isang lalaki na pamilyar saakin, at tama nga ako dahil siya ang pinsan ko si Leo Chua matanda siya saakin ng dalawang taon bakit siya narito? Ang sabi saamin noon pumunta siya sa ibang bansa dahil na roon ang mga magulang niya.
Sino kaya ang babaeng kasama niya ngayon, inalalayan niya itong tumayo at mukhang papasok na sila sa mansyon kaya sinabi ko kaagad sa mga kaibigan ko na bababa lang ako at ang sabi nila sasama daw sila.
Saktong nakababa na kami sa hagdanan, kakapasok palang nila kuya Leo. Agad akong lumapit sa kaniya .
"Kuya Leo, ano ginagawa mo dito at sino 'yang kasama mo akala ko pumunta ka sa ibang bansa ?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Bago siya sumagot tinignan niya muna ang dalawang kaibigan ko sa aking likuran.
"Nag stay ako dito kasama mga kaibigan ko, hindi ako natuloy sa pagpunta kila Mama dahil sabi nila okay lang naman daw sila doon at kung gusto ko daw dito muna ako. At ito si Andrea Lee, tatlo lang kaming magka-kaibigan na nandito at yung isa ay si Dex Mendoza nasa kuwarto siguro namin 'yon."
"Hello po, Ate Andrea,"
"Ano nga pala pangalan mo? "
"Ako po si Dynamite at ito naman po ang aking mga kaibigan. Si Ivana Ines, at Elizabeth Buenos "
"Hello po sainyo" bati ng dalawa kong kaibigan sa kanila.
"Umm hello, Ivana Ines ka anu-ano mo si Bea Ines?"
"Pinsan ko po siya bakit niyo natanong?
"Naging kaklase ko siya noong high school pa ako, kaya pala medyo hawig kayo pinsan mo pala, kumusta na siya?"
"Okay naman siya, nasa Canada na po siya ngayon " ngumiti lamang si Ate Andrea sa sinabi ni Ivana.
Dahil gusto ko pang magtanong kay Kuya Leo tinanong ko si atye Andrea kung puwede ko bang makausap si Kuya ng kaming dalawa lang, pumayag naman siya .
Shems...
ayng ganda ni Ate Andrea mas lalo na pag nangiti.
"Ivana dito muna kayo samahan niyo si ate Andrea, doon nalang kayo sa sofa para hindi kayo mangalay." Tumango lang sila bilang pagsagot.
_______________________________________
To be continued ~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...