D- 20

15 0 0
                                    

Dynamite's

Nandito ang karamihan sa may sala at tahimik ang lahat walang nagsasalita sa amin matagal na kaming naka upo dito. Nabalitaan na kasi ng lahat ang nangyare kagabi dahil may mga nakakita sa ulo ni manong guard, isabit ba naman iyon sa may kahoy.

Hindi mawala saaking isipan ang pangyayaring 'yon. Andami nilang pumapatay bakit madali sa kanila ang pumatay?  Wala ba silang pamilya? Ni kahit konting takot ba wala sila no'n?  Ewan ko ba, simula no'ng napunta kami sa mansyon na 'to andami ng bumabagabag sa aking isipan.

Lumipas pa ang ilang minuto bago ko inaya sina Eliza at Ivana na pumunta sa aming kuwarto. Kahit magtagal pa kami sa sala wala rin lang kaming mapapala.

"So anong gagawin natin dito ?" Tanong ni Eliza. 

Ano nga ba gagawin namin dito? 

Napahiga nalang ako sa kama dahil sa tanong niya, kung matulog nalang kaya kami.

Tumabi saakin si Eliza sa kama at nahiga rin siya samantalang si  Ivana ay nagtungo sa Cr. 

"Eliza may naisip ako, tutal matagal na din tayong hindi nakakapag-picture, mag picture nalang tayo " sabi ko sa kaniya

"Ah sige sige, gusto ko 'yan, wait lang ayusin ko lang buhok ko" agad niyang pag payag.

Bakit ganon mga ibang babae magpipicture kailangan pang mag ayos?

"Ano ba Eliza antagal mo naman " pagrereklamo ko sa kaniya.

"Oo na eto.. saglit nalang "

Pati si Ivana antagal sa cr, may napapansin na ako sa babaeng yon antahimik na niya simula nong tinanong siya ni kuya Dex .

"Ayan tapos na ako mag ayos " nakakagulat naman itong babaeng 'to

"Okay one ,two, three, smile " sabi ko smile pero nagwacky siya.

"Okay kunwari galit naman " -Eliza

One two three "click "

"Wacky naman tayo Eliza "

One two three "click"

"Ano ba yan Eliza, sabi ko wacky hindi pa cute. " paano ba naman ang ginawa niya nagwacky siya tapos nong pipindutin ko na nagpacute siya.

"E kase ayoko na ng wacky,  minsan lang ako magwacky noh, masisira kagandahan ko e. "

"Kagandahan?  Bakit meron ka ba no'n?  

Pang aasar ko sa kaniya, maganda si Eliza mas lalo na pag naka ngiti  .

"Syempre naman meron ako no'n." Nakataas noo niyang sabi

"Alam mo kung maganda ka talaga kahit ano pa man ang gawin mo sa mukha mo maganda pa din. " Sabi ko sa kaniya, aba ang loko tinarayan lang ako. 

Ayan na si Ivana, bakit kaya naka kunot noo neto. 

"Eliza abot mo nga yong cellphone ko " utos niya,  makikitang nagtataka si Eliza sa sinabi ni Ivana

"Cellphone?  Bakit saan mo ba iyon inilagay" Takang tanong niya.

"Pinatong ko diyan mismo sa pwesto mo " -Ivana

"Wala naman dito, Ivana baka kung saan mo lang nailagay yon. "

"Tumayo ka nga muna diyan Eliza para makita natin kung andiyan nga ba o wala " utos ko sa kaniya.

Agad naman siyang tumayo at tama nga siya wala nga dito cellphone ni Ivana.

"Dito mo ba talaga inilagay cellphone? " tanong ni Eliza sa kaniya.

"A-ah oo diyan ko inilagay b-bakit sa tingin mo ba na-ag sisinungaling a-ako?" Nauutal niyang saad.

"Wala akong sinsabing ganiyan Ivana, nagtatanong lang ako "  tama si Eliza, bakit masyado atang natataranta itong si Ivana?

"Alam mo Ivana, wala akong maalala na pumunta ka dito sa kama at inilapag ang cellphone mo dito " singit ko sa kanila...

Ano bang nangyayari, bakit ganto kumilos si Ivana?

"So pati din pala ikaw Dy, paano niyo ako mapapansing naglapag ng cellphone dito sa kama kung busy kayo kanina" Mabilis niyang saad.

"Alam mo walang patutunguhan 'to pati si Dy ginaganiyan mo na Ivana, wala kang nilapag na cellphone dito AS IN WALA! " eto yong ayoko sa lahat e nagtatalo -talo kami. Tama naman si Eliza naiintindihan ko siya kung bakit tumataas na yong boses niya.

"Kahit nagdadal-dalan kami ditong dalawa, nakikita ka namin at nakita ka naming nagpunta sa cr. Wag mo kaming gawing tanga Ivana kung may problema ka sabihin mo wag 'yong ginaganto mo kami. " dugtong pa niya.

Napayuko si Ivana dahil sa sinabi ni  Eliza sa kaniya, kakaiba nga ang ikinikilos niya kilala ko si Ivana alam kong may itinatago siya saamin.

Dapat wala ng makaalam nito dahil ang alam ng lahat hindi kami nagtatalong tatlo.

Mahirap mang isipin na isa saaming magka-kaibigan ay napapalayo na wala kaming magagawa mas lalo na't siya na mismo gumagawa ng paraan para layuan namin siya. Halata naman sa kinikilos niya kaya hahayaan ko nalang muna siya kesa mapunta pa sakitan ang lahat.

Umalis na kami ni Eliza sa kuwarto matapos niyang sabihin iyon at iniwan namin doon si Ivana.

____________________________________
To be continued ~

Die  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon