D- 07

26 7 0
                                    


Dynamite's

Ilang araw na ang nakakalipas mas lalong nag-iiba ang kanilang ikinikilos pero hindi ako nagpatalo hindi ko pina-una ang aking kaba o sabihin na nating hindi ko pinairal ang aking pagiging mahina dahil alam kong kaya ko ito at alam kong hindi ako nag iisa.

Sa ilang araw na lumipas may mga bago akong kaibigan sina Stacey, Faith, Joel, Vince at Angelo. Nakilala na din sila ng aking dalawang kaibigan at nina Kuya Leo.

Sabi saakin ni Kuya Leo unang tingin niya palang sa limang iyon mababait daw sila. Napangiti nalang ako sa sinabi ni Kuya dahil kahit hindi man niya sabihin alam ko na 'yon. Mabilis ko kasi silang nakapalagayan ng loob. Mga kalog din ang iba sakanila kagaya nina Ivana at Eliza.

Nandito ako ngayon sa may hardin nang lumapit saakin si Kuya Leo makikita mo sa mukha niya na hindi siya okay.

Lyoel's

Buti nalang at nakita ko kaagad si Dynamite bago ako pumunta sa kaniya pinuntahan ko muna si Andrea at sinabing sumunod siya saakin sa may hardin pag hindi ako nakabalik ng tatlong minuto.

Bakas sa mukha ng aking pinsan na malalim ang kaniyang iniisip .

"Leo at Dy" tawag saamin ni Andrea habang nakangiti, kahit kailan talaga kaya mas lalo akong nahuhulog sa kaniya e.....

"Andrea halika may importante akong sasabihin sainyo, ganito kase yon "

Flashback ~

Papunta ako ng kusina nang may narinig akong nag-uusap kaya bago pa man ako makaapak sa kusina tumigil na ako sa paglalakad at nakinig sa pinag-uusapan ng dalawang pamilyar ang boses.

"So gaya nga ng plano natin at utos ni boss magsisimula na tayo "seryosong sabi ng lalaki tinignan ko ito si Franz pala at ang kausap niya ay si Mix kaya pala familiar mga boses nila hindi nila ako nakita kaya pagkatapos nilang mag-usap nagtago ako sa may likod ng pinto ng kusina.

Sisimulan na nila mamaya ang kanilang plano.

End of Flashback ~

"Ayon lang ang nalaman ko at narinig matapos sabihin ni Mix, umalis na sila kaya umalis na din ako para hanapin kayo at sabihin ang mga narinig ko."

"Nakakapagtaka naman, ano ang kanilang sisimulan Kuya? At sino ang boss nila nandito din kaya? Sana kung ano man ang binabalak nila wag na nila itong ituloy lalo na kung masama ito." Seryosong sabi ng aking pinsan.

"Sana nga wala silang gawing masama, kailangan nating mag-ingat palagi dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Dapat alerto tayo." -Andrea

"Oo kailangan talaga nating mag-ingat, mas lalo kana Dynamite" natatakot ako sa binabalak ng dalawang iyon.

"Dahil alam naman nating una palang nakamasid na sila sayo." Nag aalala ako para sa kalagayan ng aking mga kasama sana hindi nalang kami napunta sa lugar na ito sana hindi namin naisipang pumunta dito nagsisisi talaga ako....hays, ganon naman talaga nasa huli ang pagsisisi.

"Oo alam ko yan Kuya, pangako mag-iingat ako sana kayo din. Sige mauna na ako sainyo pupuntahan ko lang 'yong dalawa sa kuwarto" pagpapaalam niya.

Ano ba ang gusto nilang mangyari? May mapapala ba sila kung mananakit sila ng tao? Sa paraan bang naisip nila, makakatulog pa sila ng maayos?

Kailangan naming maghanda, hindi ako papayag na may masaktan saaming magka-kaibigan. Kailangan ko ding protektahan ang pinsan ko, si Dynamite.

Luminga-linga ako sa palagid napakadami namin dito, may posibilidad na lahat ng tao dito ay madamay.

_______________________________________
To be continued ~

Die  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon