D- 14

23 5 0
                                    

Leo's

Hay nako ang tigas ng ulo nitong Dynamite na 'to. Sana gumaling na siya, pinsan niya ako kaya ganto nalang ako kung mag-alala sa kaniya. Ang bilis naman niya makatulog, tulog na kagad siya buti nalang pag nagka-kasakit siya nawawala din naman agad basta iinom siya ng gamot.

"Bro alis muna kami nila Eliza, punta lang kami sa may kubo. "

"Sige bro, dito muna kaming dalawa ni Andrea."

Pag alis nilang tatlo agad akong lumapit kay Andrea at niyakap siya mula sa kaniyang likod ganto ako pagdating kay Andrea. Sa totoo lang kami na ayaw lang namin sabihin sa kanila tsaka na.

"Hmm...Bi anyare sayo, nag gaganyan ka nanaman?" Tanong niya sa akin.

Bawal ba maglambing?

"Nagla-lambing lang ako, Bi "

"Kaya pala tara upo tayo don " pag-aaya niya saakin umupo kami sa may kabilang gilid ng higaan nila Dy.

"Tara tulog din tayo," bigla niyang pag dugtong sa kaniyang sinabi. Akala ko naman uupo lang kami ,tutulog din pala..

"Anong trip mo, Bi. Ang aga aga pa oh?"

"Ano ka ba naman syempre nakaramdam ako ng antok e...tara na bilis idlip lang tayo saglit." Ano pa ba magagawa ko, mahal ko to e.

"Sige na mahiga ka na diyan matulog ka na, at babantayan ko kayo."

"Sige na nga pero higa ka din dito sa tabi ko." Para hindi na niya ako kulitin, nahiga na din ako sa tabi niya.

Parehas lang silang dalawa ng pinsan ko antukin ambilis makatulog e. Samantalang ako hindi makatulog-tulog. Ang ganda ni Andrea kaya bagay na bagay kami e.

"S-si sino k-ka?" Boses ni Dy yon ah.

"Dynamite, gising hoy gumising ka nga." Ano ba yan ayaw gumising. Baka anong mangyari dito .

"Bi ano ba, bakit mo ginigising pinsan mo?" ay imbis na si Dynamite ang magising ko si ang girlfriend ko ang nagising.

"Nanaginip kase siya kaya ginigising ko."

"Dala lang siguro ng lagnat niya " -Andrea

"Siguro, sige tulog kana ulit sorry" tumango lamang siya sa aking sinabi.

Hindi na gaano kainit si Dynamite buti naman at bumaba na ang lagnat niya. Sabi ko naman sa inyo, saglit lang siya kung lagnatin.

Ang galing din ng saglit ni Andrea umabot ng dalawang oras. Sa dalawang oras na 'yon naririnig ko si Dynamite na nagsasalita. Hindi ko siya ginising baka pagalitan pa ako ni Bi.

"A-nong n-nangyare sayo?" sino ba tong napa-panaginipan niya?

"Bi gigisingin ko siya ha umiiyak na e" Sobrang sama siguro ng panaginip nito.

"Oo na gisingin mo na siya" Buti pumayag na siya, akala ko magagalit nanaman e.

"Dy gising, oy gising na...ang tindi mo ang hirap mo naman gisingin Dynamite Chua gising na. "

"Ano ba Kuya Leo ang ingay mo. Kita mong natutulog yong tao e." Nagrereklamo pa siya, buti nga ginising ko pa siya.

"Hahahaha... nakakatuwa kayong magpinsan " Bi naman ano nakakatuwa don niloloko ata ako nito ?

"Maligo ka na don, Dynamite" utos ko sa kaniya. Alam ko naman na bawal pa siya maligo.

"Mamaya na hindi naman tatakbo yong tubig e. Nandiyan lang iyan."

"Ako ba ay pinag-loloko mo Dynamite, alam kong hindi tatakbo ang tubig . ANG SAAKIN LANG NAKAKAHIYA NAMAN SA BED SHEET ANG BAHO MO NA " Hahaha galit na, niloloko ko lang siya pero pagalit iyong pagkakasabi ko. Pag kase nag gagalit-galitan ako hindi mo mahahalata na nagbibiro lang ako .

"Aray" binato lang naman niya ako ng unan niya, unan pa ba iyon ang tigas naman?

"Ate Andrea ilabas mo nga iyang tsunggong iyan dito baka makatay ko yan." Tsunggo? Wow ha, itong guwapo kong ito..

Grabe naman si Bi, hinila-hila ako palabas, para namang hindi niya ako boyfriend niyan e.

"Ikaw talaga, alam mo namang galing sa sakit yon, ginagalit mo pa" -Andrea

"Niloloko ko lang naman siya e." Pag amin ko sa kaniya.

"Kahit na, hindi pa naman halata sa iyo pag nagbibiro ka lang. "

"Galit ka ba?"

"Hindi bakit naman ako magagalit" akala ko galit siya..

"Bilisan mo sabihin mo kay Dy magpunas-punas lang siya hindi siya puwedeng maligo." Natatarantang saad ko , nako lagot baka mabinat iyon.

______________________________________
To be Continued ~

Die  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon