Dex's
Ito na ang tamang oras para kami naman ang kikilos hindi ako papayag na maubos kami, maganda na nagplano kami kaysa kami ang mawalan ng buhay sana nga magawa namin ito ng maayos sana walang masaktan saamin ,umaasa ako sa panginoon ngayon na sana gabayan kami kahit na masama itong gagawin namin.
Handa na kaming apat, hinintay muna naming makatulog ang lahat mas lalo na sila Eliza, bago lumabas saaming mga kuwarto.
Naghiwalay na kami, gaya nga ng napag-usapan namin kanina si Dy ang kasama ko.
Sakto nandito 'yong isang guard, ito na ang pagkakataon namin para maghigante. Hindi niya alam na papunta kami sa puwesto niya dahil nakatalikod siya. Sinenyasan ko ang aking kasama na doon muna siya sa likod ko at sumunod naman ito.
Agad kong hinampas ang ulo ng guard at napahiga siya sa lupa habang hawak-hawak ang kaniyang ulo.
Bago pa niya makita ang aming mukha sinaksak na siya ni Dy sa may bandang dibdib at doon na umagos ang napakaraming dugo. Patay na siya pero hindi pa kami nakuntento doon, pinag tatadiyakan pa namin siya.
"Tara na tama na 'yan " sabi saakin ni Dy sabay hila saakin dahil may paparating pala.
Sobrang dami nila anong ibig sabihin nito? Bakit parang napaghandaan nila ang lahat lahat?
"Simulan niyo na wag kayong magtitira ng buhay kahit isa, naiintindihn niyo? " utos ng matandang babae sa mga kasama niya at alam kong si Shane iyon kahit na nakamask siya.
Agad naman silang umalis, masunurin sila o sadyang takot lang sila sa Shane na yon?
"May plano rin pala sila tara puntahan natin sila Eliza, baka kung ano mangyari sa kanila." Tumango ako sakaniya.
Madaming nakakalat dito sa mansyon napaghandaan nga nila kinakabahan ako baka may mangyari saamin.
Dynamite's
Nako hindi ito maaari paano nalang 'yong plano namin, naka plano rin sila kailangan naming makarating kaagad kila Eliza baka kong ano pa man ang mangyari sa kanila.
Pagpasok namin sa kuwarto kung nasaan si Eliza at Ivana ay nakita naming wala na silang buhay grabe ang tinamo nila, halos hindi na makilala ang mukha ni Eliza dahil sa pagsaksak dito, pulang pula ang bedsheet dahil sa dugo nilang dalawa ni Ivana.
"E--eliza, ELIZAAAA, MGA GAGO SILA HINDING HINDI KO SILA MAPAPATAWAD SA GINAWA NILA SAINYO." Umiiyak at galit na galit na saad ni Kuya Dex.
Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha saaking mata, gusto kong sumigaw pero parang may pumipigil saakin. Bakit? bakit kailangan pang mangyari tong mga ito? Sana hindi nalang kami nagpunta dito ang dalawa kong kaibigan wala na, patay na sila paano nalang kami?
"Eliza tandaan mo maghihigante ako, hinding-hindi ko sila mapapatawad, maghihigante ako para sainyong dalawa ni Ivana. Mahal na mahal kita, Eliza. " Pagkatapos sabihin iyon ni Kuya hinalikan niya ang kamay ni Eliza at niyaya niya na akong tingnan ang mga iba pang kuwarto.
At lahat ng tao sa mga kuwarto ay patay na pinatay nila ang lahat ng walang kalaban laban.
"Hindi manlang natin nagawa ang plano natin, lahat sila patay na "
"Wag kang mawalan ng pag asa Dy, tara hanapin natin sila Andrea. "
Wala na akong lakas maglakad dahil sa mga nakita kong mga katawan na halos hindi mo na makilala kong kanino bang katawan ang mga 'yon.
Bang. Bang. bang.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may marinig akong putok ng baril at biglang natumba si Kuya. Hindi na ako magtataka kung pati ako.....
Bang.bang.bang.
Mamamatay ako ng hindi manlang ako nakapag higante.
Third Person's Point of View
Bago pa matapos ang iniisip ni Dynamite ay bigla na siyang nawalan ng balanse dahil sa tatlong balang pumasok sa kaniyang katawan at nalagutan na ito ng hininga.
Sa kabaling dako naman ay patay na rin sila, gaya kila Dynamite binaril din sila. Hindi man nagawa ng mga magka-kaibigan ang plinano nila alam nilang ang diyos na ang bahala sa mga walang pusong mga mamamatay tao.
Namatay silang lahat ng hindi manlang nalaman kong bakit ganon ang mansyon at namatay sila nang ni isa sa mga katanungan nila ay wala manlang nasagot.
____
Dynamite's
Nagising ako na habol-habol ko ang aking hininga. Tinignan ko ang paligid ko at ang sarili ko. Nandito pa din ako sa kwarto ko, ito pa din ang suot ko. Naka-itim pa din ako, kagaya ng suot ko nang magkita kami ng mga kaibigan ko.
Panaginip lang lahat. Parang totoo, ang sakit sa dibdib. Naramdaman ko nalang ang mga luha kong nagbabagsakan. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko pumasok ang Papa at kapatid ko. Agad ko silang niyakap, kahit sila ay nagtataka.
Lord, thank you. Panaginip lang lahat, senyales na din siguro 'to na wag na kaming tumuloy na magka-kaibigan.
THE END
______________________________________________
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...