Dynamite's
Hapon na pero hindi pa din ako nalabas dito sa kuwarto namin pinipilit nga ako nitong dalawa kong kaibigan e.
Kaso ayoko talaga, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko inaasahan ang ganong pangyayari mas lalo na ngayon lang ako naka kita ng patay na naliligo sa sarili niyang dugo.
Oo namatayan na ako ng Ina pero hindi ko nakita ang aking Ina sa ganong pangyayari.
Okay nadin 'yon hindi ko nakita dahil kong nakita ko man baka hindi ko kayanin.
"Oy ano na Dy, dito kanalang ba? O sige ganito bumaba ka muna at kumain tsaka ka mag mukmok ulit dito sa kuwarto." -Eliza
"Ayo..."hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may narinig kaming sigaw.
"Aaaahhhhh wa-aggg "
Boses ng babae 'yon ah. Mabilis kaming kumilos para lumabas ng aming kuwarto. Pag labas palang namin madami na kaming nakitang tao dito sa palapapag namin lalo na sa bandang dulo.
"Ano nanaman ba 'to? Wag niyong sabihing mau-ulit nanaman ang nangyari kag-gga..bi?" Nauutal na saad ni Eliza. Bakas sa mukha ni Eliza ang takot samantalang si Ivana naman ay seryoso lang na nakatingin sa mga nagku-kumpulang mga tao.
Hindi namin naisipang tignan ang nangyari doon. Dahil kahit hindi man namin tignan alam na naming may nawalan na naman ng buhay.
"Tara na, doon nalang ulit tayo sa kuwarto" pag aaya ni Eliza.
Nag-aalala ako para sa lahat, sana wala ng mamatay, sino kaya yong namatay ngayon? Siguro magtatanong nalang ako kay Kuya Dex mukhang andon siya kanina.
"So ano gagawin natin ngayon? Ikaw Dy kumain kana kaya..samahan ka namin" -Eliza
Dahil makulit 'tong mga 'to pumayag na ako.
"O siya tara na kain din kayo ah."
"Sige sige, gutom na ulit kami e" -Ivana
Kaya pala kanina pa nila ako pinipilit kumain, dahil kakain din sila mga luka hindi pa sinabi kanina na gutom nanaman pala sila.
"Tatlong payat saan punta niyo? " -Kuya Dex
Nako, nako mukhang umuusok nanaman ang ilong ni Eliza, diba nga sabi niya sexy daw kami ayaw na ayaw niyang tinatawag na payat.
"Hoy panget! Sabi na ngang SEXY kami e. Hindi kami payat, ang payat buto buto na!" -Eliza
HAHAHA sabi na nga ba e.
"O edi sexy..." hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Kuya Dex, biglang sumingit si Eliza
"Ganyan nga, tama yan sabihin mong SEXY kami." Pagkatapos sabihin ni Eliza yon habang naka smile, biglang humalagpak sa tawa si Kuya Dex.
"HAHAHA Eliza patapusin mo muna kase ako HAHAHAH ...SEXY SILANG DALAWA at Ikaw ay PAYAT HAHAHAHA " -Kuya Dex
Dahil sa inis hindi napigilan ni Eliza ang banggain si Kuya Dex at nauna na siyang pumunta sa kusina.
"Pambihira ka talaga bro, lakas mo mang-asar baka mamaya ma-inlove ka diyan " Pang aasar ni Kuya Leo.
Niyaya ko na si Ivana para pumunta sa kusina, nang malapit na kami sa kusina narinig pa namin ang sinabi ni Kuya Dex na " Bro wag kang ganyan ako mai-inlove don? No way! " Nako kakainin niya lang ang sinabi niya.
Pagkadating namin ni Ivana sa kusina laking gulat namin ng makitang wala siyang malay, agad kong inutusan si Ivana na pagmadaliin sila Kuya Dex.
__________________________________________
To be continued ~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...