Dex's
Sinadiya ko talaga na itanong sa kan'ya dahil una palang may kakaiba na siyang ikinikilos, lahat kami natahimik sa kaniyang pag sagot dahil mali ang kaniyang sagot at pautal-utal pa ito.
"Sa kaniya?" Nagtatakang tanong ni Andrea.
"Ah a-ang ibig kong s-sabihin sa kanila, pasensiya na." - Ivana
Tinitigan ko siya at ganon din siya pero habang tumatagal may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
Bakit nakikita ko ang takot sa kaniyang mata? May tinatago ba talaga siya?
"O siya tama na 'yang spin the bottle na 'yan. Diretsahin nalang natin itong dalawang ito " turo sa akin ni Leo at kay Eliza.
Nako, ano na naman kaya iniisip nito. Pati si Eliza napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Bro.
Napatingin ako kay Ivana hindi na siya namumula dahil siguro wala na ang atensiyon namin sa kaniya.
"Ano po bang pinagsasabi niyo diyan?" -Eliza
"Kayong dalawa ni Bro, kailan mag aaminan? " nakangising tanong niya.
Baliw talaga 'to.
"Anong klaseng tanong 'yan? " -Eliza
"Napaka-ganda ng tanong ko, sagutin niyo nalang," sige ngisi ka lang diyan bro. Tignan lang natin.
"Wala naman kaming dapat aminin e." -Eliza
May dapat nga ba akong aminin?
"Tsk... Kunwari ka pa diyan Eliza nanaginip ka nga diyan e, Dex ka ng Dex. " -Dynamite
Totoo ba yon, siguro nagbibiro lang si Dy diba?
"Haha bro namumula ka "
"Normal lang 'to, ang init kase e."
"Ang init ka diyan, bukas po ang aircon oh." -Leo
Putek, huli ka balbon.. Bakit ba kase ayon nag nasabi ko?
"Ah ano kase " takte naman .
"Ano bro walang maipalusot? Hahaha" hindi ako titigilan ni Leo nako... umamin nalang kaya ako?
Wala namang masama kung malaman nila kung ano ang totoo, hindi ako sure dito sa nararamdaman ko pero sige aamin na ako.
"Oo na eto na aamin na, may g-gusto ako sa k-kaniya " tinignan ko kung ano ang reaksiyon ni Eliza....
Takte totoo ba itong nakikita ko? Namumula siya, at nakangiti?
"Hahaha sabi na nga ba Dex e. Yieeee bagay kayo i think may feelings din si bebe Eliza sayo" - Andrea
"Hehehe wala yan "
"Eliza aba magsalita ka din" -Dynamite
"Ano ba 'yan nahihiya ako" hahaha ang kulit niya.
"Ngayon ka pa nagpa-bebe Eliza, kung saan umamin na siya tskk.." Diretsahang sambit ni Dynamite .
Biglang nag pout si Eliza dahil sa sinabi ni Dy. Pa cute ang putek, baka mamaya mahalin ko siya dahil sa kakaganiyan niya.
"Oo na gusto ko din siya, pero wag kayo ah gusto ko lang siya, slight lang"
Tug.tug.tug.
Putek lakas ng tibok ng puso ko.
"Ayiee. Kinikilig ako sainyo." -Andrea
"Nakakahiya naman" -Eliza
Hahaha ang kulit e. Pulang pula siya ang sarap kurutin nong pisngi niya.
"Eliza, puwede ba tayong mag-usap 'yong tayong dalawa lang?" Tanong ko sa kaniya .
"Okay lang ba sainyo maiwan muna namin kayo dito? " tanong ni Eliza, tumango lamang sila bilang pag payag at pumunta na kaming dalawa sa may kubo.
Someone's
Kung sa tingin niyo magsasaya na kayo hanggang huli, puwes nagkakamali kayo. Ngayon ko itutuloy ang nasimulan ko at unti nalang kayo makakakilos na ang mga inutusan ko ng maayos. Iisa-isahin ko kayo HAHAHAHA.
___________________________________________
To be continued~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...