D- 13

28 7 1
                                    

Third Person's

Tulog na ang lahat puwera nalang sa isang taong baguhan lang sa mansyon, hindi pa alam ng iba na may bagong dating.

Ang nagbabantay lamang ang may alam.

Ang baguhan ay kinakabesa ang bawat sulok ng mansyon at tila seryoso ito .

Sa kuwarto ng mga magka-kaibigan, makikitang pawis na pawis si Dynamite na parang sobrang sama ng kaniyang panaginip, may sinsabi siya pero hindi ito maintindihan habang tumatagal mas marami pa siyang sinasabi at bakas sa mukha niya ang takot.

Gustuhin mo mang malinaw na marinig ang mga sinsabi niya pero hindi ito gagana, dahil mahina lang ang kaniyang boses at hindi 'to maintindihan.

----

Umaga na pero tulog pa din si Dynamite, nakakain na din ang kaniyang mga kasama.

Pinilit niyang gumising kagabi para lang mawala ang kaniyang masamang panaginip pero nung siya ay magising mahigit isang oras bago ulit siya nakatulog.

"Bakit tulog pa din ang pinsan ko? Nagpuyat ba 'yon kagabi?" Nagtatakang tanong ni Leo sa mga kaibigan ng kaniyang pinsan.

"Halos sabay lang kaming natulog kagabi" -Ivana

"Kung ganun, bakit tulog pa din siya hanggang ngayon? " -Andrea

"Siguro napagod lang siya sa mga nangyari" -Eliza.

"Puntahan mo na kaya siya don Leo gisingin mo na, anong oras na oh at tsaka para makakain na din siya." Utos ni Andrea kay Leo at agad naman itong nagpunta.

Leo's

Ano ba kase nangyari dun at hanggang ngayon tulog pa. Basta kay Andrea hindi ako makatanggi. Iba talaga ang tama ko sa kaniya.

Hindi na ako kumatok pa at pumasok nalang ako basta-basta sa kuwarto nila Dy, kahit naman kase kumatok ako hindi din naman niya ako pag bubuksan kilalang kilala ko na ito. Pagtingin ko sa kaniya ang himbing ng tulog niya, hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya ayaw ko pa naman sa lahat yong kulang to sa tulog.

Ilang minuto na ang nakalipas pero andito pa din ako iniisip kung gigisingin ko ba ito.

Naisip ko din kase na baka napuyat siya. Ang hirap naman ng ganito bakit pa kase ako pinapunta dito e.

Dalawang minuto ulit ang nakalipas at nakapag isip-isip na ako hindi ko muna siya gigisingin ang init-init balot na balot 'to sa kumot.

Tatanggalin ko sana ang kaniyang kumot kaso napatigil ako dahil naramdaman kung mainit siya... nako itong pinsan kong 'to kahit kailan talaga .

Tinext ko si Andrea na umakyat sila dito at sinabi kong magdala sila ng gamot...ilang minuto na ang nakakalipas kaso wala pa sila. Dahil wala pa sila tinawagan ko na din si Andrea baka hindi niya nabasa yong text ko.

Calling Andrea........

"Ay buti naman at sinagot mo, hindi mo ba nabasa 'yong text ko?" Tanong ko sa kaniya ang ingay naman sa puwesto nila

"Ngayon ko lang nabasa sige papunta na kami diyan"

"Andrea magdala na din pala kayo ng makakain ni Dy "

"Sige hintayin mo nalang kami diyan. "

"Sige salamat "

Toot.toot.toot. (End Call)

Ano kaya nangyayari sa baba impossible namang mag-ingay sila doon alas-syete palang ng umag?

Tok.tok.tok.

Ayan na siguro sila.

"Bakit hindi nalang kayo pumasok kaagad?" Nagtatakhang tanong ko.

"Ah wala lang, triny lang namin kung bubuksan mo ba hahaha " si bro parang baliw.

"O siya pasok na kayo itong pinsan ko nilalagnat pala, Eliza pakigising nga si Dy para makakain na at maka inom ng gamot" sumunod naman si Eliza sa sinabi ko.

"Umm ano b-ba an-nlamig " nanginginig na sabi ni Dynamite.

Ni hindi nga bukas yong aircon e. At tsaka ang init-init kaya.

"Dy kain ka muna" -Eliza

"Wala akong gana"

"Bilis na kain kana, para maka inom ka na din ng gamot." -Eliza

"Kuya Leo alam mo naman diba, pag masama pakiramdam ko?"

"Hay nako, iba dito Dy bilis na kumain kana mas matanda ako sayo kaya sumunod ka." k
Kunwaring pagalit na sabi ko sa kaniya.

"Kase naman e..." nagdadabog-dabog pa siyang nalalaman ah.

Ganto kase yon kung may sakit siya hindi mo talaga siya mapapa kain ng kanin at mapapa inom ng gamot. Dapat pagalitan mo muna bago siya kumilos.

Ayan kumain nga siya pero kunti lang hindi na daw niya kayang lunukin pati yong gamot tinapon niya kaya pina-inom ulit namin.... para siyang bata.

______________________________
To be continued ~


Die  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon