Third Person's
Pag alis na pag alis nila Eliza. Napag pasiyahan na din nila Dynamite na umalis sa sala dahil wala naman na silang gagawin doon.
Papaakyat na sila sa hagdan ng makita nila si Faith na hinang-hina at humihingi ng tulong. Marami siyang sugat at ang pinakamalala ang laki ng hiwa sa kaniyang noo kaya kahit tinatakpan niya ito patuloy pa din ang pagtulo ng kaniyang dugo.
Agad binuhat ni Dex si Faith at doon sa kuwarto nila Dynamite ipinunta dahil yon ang pinakamalapit.
Pagkadating nila sa kuwarto, agad nilang tinanong si Faith kung sino ba ang gumawa non sa kaniya. Sinabi niya ang lahat ng nakita niya, isa daw lalaking naka solo black at naka mask ang may gawa sa kaniya non.
Kaya hindi daw niya nakita ang mukha ng lalaki at hindi daw siya nakalaban dahil sa takot at may kutsilyo ang lalaki.
Awang-awa sila sa kalagayan ni Faith. Ginamot nila sila Faith at pinahiga muna siya sa kama para makapag-pahinga.
"Hindi nga siya napagod sa kung ano mang gawain, napagod naman siya sa nangyari sa kan'ya ngayong araw na ito." -Dynamite
Lumabas si Dynamite sa kanilang kuwarto at sinundan naman siya ng kaniyang pinsan at don na siya bumigay. Iyak siya ng iyak at ina-alo naman siya ng kaniyang pinsan.
Naiintindihan siya ng kaniyang pinsan kung bakit ganon siya, lahat sila nalulungkot sa sinapit ni Faith.
Hiling lang ni Dynamite na sana wala ng masaktan pa, sana tumigil na ang killer. Wala naman daw silang kasalanan bakit kailangang pahirapan sila ng ganun.
___
Sa kabilang dako naman kung nasaan sina Eliza, hindi nila alam na may nag mamatiyag na pala sa kanila habang masaya silang nag-uusap tungkol sa kanilang mga nakaraan.
"Alam mo ba Eliza kahit tatlo lang kaming magka-kasama nila Leo masaya kami, sa mga nakaraan na nangyari saamin hinding-hindi ko iyon kakalimutan. Nandon 'yong namamasyal kami, naglolokohan, at 'yong tumutulong kami sa mga bata." Masayang pagku-kwento ni Dex.
Napangiti si Eliza dahil sa sinabi ng binata, hindi niya alam na sobrang bait pala ng kasama niya ngayon .
"Mali pala ako ng naisip tungkol sa'yo, ang bait mo pala" nag papaka-totoong saad ni Eliza
Hindi mawala ang ngiti sa kanilang dalawa, habang nag-uusap.
"Hahaha mabait talaga ako. Kaya siguro hindi mo nakita kaagad 'yon dahil lagi kitang inaasar" natatawang saad ng binata.
"Oo, ikaw kase lakas mo mang-asar. Pero hindi mo naman na ako aasarin ulit diba?"
"Hahaha hindi ko alam, ang cute mo kase pag na aasar e." Dahil sa sinabi ng lalaki pulang-pula ang mukha ni Eliza at hindi na ito maka tingin ng diretso kay Dex.
"Hoy, dapat pala hindi ka sinasabihan ng cute, para hindi ka naiilang saakin hahaha "
"Kase naman e. Tara na nga don " Yaya niya sa lalaki at pumunta na sila sa sala para puntahan ang kanilang mga kasama pero wala na sila doon, kaya pumunta nalang sila sa ikalawang palapag kung nasan ang kuwarto nila Dynamite.Pagka bukas na pagka-bukas ng pinto ng kuwarto nagulat sila pareho dahil sa kanilang nadatnan. Tahimik ang lahat at may isang babaeng walang malay na nakahilata sa kama.
_______________________________________
To be continued ~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...