Dynamite's
Nang makalayo na sina Ate Andrea nagtanong-tanong kaagad ako kay Kuya Leo. Ang alam ko hindi masyadong nalapit sa babae pero ano ito? May kaibigan siyang babae, nako.
"Kuya ano mo si ate Andrea? Oo alam ko kaibigan mo siya, maliban don ano mo pa siya?" Deretsahang tanong ko sa kaniya, aba ayaw magsalita may nalalaman pa siyang pakamot-kamot sa ulo niya.
"Hoy ano kakamutin mo nalang 'yang ulo mo diyan? " pagtataray ko sa kaniya
"Oo na ito na, parang mas matanda ka sa'kin kung makatanong ka d'yan ah. Maliban sa kaibigan ko siya, may gusto din ako sa kaniya at ganon din siya sa'kin."
Ngiting-ngiting sagot niya.
Nakakakilig naman binata na siya pero sa totoo lang 21 na si Kuya Leo at NGSB yan.
"So ano nililigawan mo na ba siya?"
"Oo " tipid niyang sagot
"Ayiee ikaw Kuya wag mong sasaktan 'yon alalahanin mo may ina ka, mukha siyang anghel ang amo ng mukha niya."
"Oo ako pa ba. Mabait talaga 'yon tara na nga doon " pagyayaya niya pero pinigilan ko siya dahil may isa pa akong tanong. Tinanong ko siya kung hanggang kailan sila dito sabi niya dalawang buwan ang pinirmahan nila sampung araw palang sila dito. Matapos ang pag- uusap namin pumunta na kami sa mga kasama namin.
"Nasaan na po yung isa niyo pang kaibigan?"- tanong ni Eliza .
Pahalata to masyado...
Halatang may iniisip na kalokohan basta talaga tungkol sa lalaki wala siyang pinapalagpas.
"Nasa kuwarto ata, saglit lang tatawagin ko siya." -Kuya Leo
Makalipas ang limang minuto nandito na sila, mukhang bagong gising lang si Kuya Dex. Nagpakilala kaming tatlong magka-kaibigan at nagpakilala rin siya. Gaya nga nang sabi ni Kuya siya si Dex. Okay naman siya pero halatang mahilig sa babae, tingin pa lang niya kay Eliza e.
Magkakasundo sila panigurado.
Pagkatapos namin kilalanin ang isa't-isa napunta pa kami sa mahabang usapan at pagkatapos ay nagpasiya na kami na pumunta sa mga kwarto namin. Feeling ko pagod na pagod ako 'yong dalawa tulog na.
Alas-tres palang naman maka-idlip nga muna.
Third Person's Point of View
Habang masarap ang tulog ng magka-kaibigan may bagong dating sa mansyon isang binata at isang dalaga. Maamo ang mukha ng babae at ang lalaki naman parang hindi mapa-pagkatiwalaan. Hindi mo mapapansin kung magkasama ba sila dahil hindi sila nag-uusap nakatayo lamang sila sa may malapit sa hagdan at tumitingin-tingin sa paligid na parang may hinahanap sila. At sa wakas umakyat na din sila matapos ang ilang minuto.
Alas-sais ng gabi ng nagsilabasan ang lahat dahil oras na para kumain. Sa may hardin sila kakain, dahil hindi sila magkakasiya sa kusina, oo mansyon ito pero pag dating sa kusina mga tatlumpo lang ang kasiya. Sa kanan at kaliwa ng labas ng mansiyon maraming bulaklak na makikita, sa isang gilid may kubo at doon nagpunta ang magka-kaibigan at ang iba naman sa kabilang gilid pero walang kubo doon. Sa likod ng mansyon doon nakatanim ang mga gulay. Pati ang dalawang baguhan na kadarating lang kanina sa may kubo sila pumunta at gaya ng kanina palinga-linga sila, magkasama nga ata sila dahil nakabuntot ang lalaki.
Maraming nakahanda pero karamihan sa makikita mo ay gulay. Mukhang mas lulusog pa ang mga nakatira dito. Konti lang ang makikita mong may edad na trenta pataas ang karamihan ay mga nasa dalaga't binata. Pagkatapos kumain ng magka-kaibigan dumeretso kaagad sila sa kuwarto nila at natulog dahil narin siguro sa kabusugan at isa pa sa dahilan kaya natulog sila ng maaga para may lakas sila bukas dahil lilibutin nila ang mansyon.
_______________________________________
To be continued ~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...