D-18

13 4 0
                                    

Leo's

Buti tumahan na si Dy sa kakaiyak, ngayon ko lang ulit siya nakitang nag kaganito. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong halos hindi na siya tumigil sa kakaiyak ng mamatay si Tita hanggang ngayon wala pa din nakakaalam kung sino ba talaga ang pumatay. May mga nagsasabi na baka ang kaibigan niya ang pumatay sa kaniya. Gusto man naming paniwalaan pero hindi puwede dahil  wala kaming pruweba at walang tetestigo.

Kung 'yong kaibigan man ni titya ang pumatay sa kaniya, anong dahilan niya. May nagawa ba si Tita sa kaniya?  Kilala ko si Tita mabait siya hinding-hindi siya gagawa ng ikakapahamak niya mas lalo na sa pamilya niya. 

Nang tumahan na ang pinsan ko sa pag iyak niyaya ko na siyang bumalik sa kuwarto nila.  Tinanong ako ni Andrea kung okay lang ba raw ang pinsan ko, sabi ko hindi pa. Bakas naman sa mukha niya na hindi pa siya okay .

Ilang minuto lang ang nakaka-lipas nang pumasok kami sa kuwarto at biglang dating naman nila Eliza, ini-explain namin sa kanila ang  lahat -lahat ng alam namin. Para may alam sila kung ano na ba talaga ang nangyayari.

"Masaya kaming nag-uusap don tapos may nangyayari na palang ganto, pasensiya na wala kaming alam. " Parang timang tong si Bro. Wala naman silang kasalanan e.

"Ano kaba lahat naman tayo walang alam dito, lahat tayo hindi inaasahan na may mangya-yaring ganito ulit."

"Alam ko sila nanaman may kagagawan nito. Ano na gagawin natin?" seryosong saad ni Dex.

"Sila din ang pinaghi-hinalaan ko, wala pa akong maisip na puwede nating gawin. "

Sila Mix ang pinaghi-hinalaan ko pati ang mga taga bantay dito sa mansyon at alam din ito ni Andrea . Nagsabi kaagad ako kay Andrea nong makita ko sa likod ng mansyon sila Mix at ang mga naka usap namin na nagba-bantay dito sa mansyon. Nag uusap sila non, hindi ko narinig ang kanilang pinag uusapan dahil mahina lang ang kanilang boses at seryoso silang lahat.

Kaya simula ngayon wala na akong tiwala sa mga taga bantay dito. Lahat  pala pakitang tao lang nila. Tsk akala nila hindi ko sila mahuhuli.

"Huwag kayong mag alala, walang mangyayaring masama saatin basta't mag dasal lang tayo." Biglang singit ni Andrea.

Maganda ang kaniyang sinabi kahit papaano napalakas niya ang aming mga loob.

"Hangga't magkakasama tayo at sinasabayan natin ng pagda-dasal sa panginoon ligtas tayo at walang mangyayari saatin." Sabi ko sa kanila.

Dynamite's

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas at magaling na si Faith, ilang araw din siyang nilagnat dahil sa kaniyang mga tinamong sugat.

At sa dalawang linggong 'yon may namatay at nasugatan. Sa ngayon tumutulong kami sa pag gagamot sa mga nasugatan o sinadiyang sugatan.

At dalawang tao ang namatay isa na doon si Joel ang isa sa mga kaibigan ko din, masakit para saakin na mawalan ulit ng kaibigan pero hindi ako umiyak tinatagan ko ang aking sarili . Siguro sobrang saya ng mga killer na nakikitang nag dudusa kami. Ayokong ipakitang mahina ako dahil baka doon sila kumilos para saktan din ako.

_____________________________________
To be continued ~

Die  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon