Third Person's
Kinabukasan maagang nagising ang magka-kaibigan at pagkagising na pagkagising nila agad silang nag ayos ng kanilang mga sarili. Saktong pababa na sila ng hagdan nang pababa na din ang pinsan ni Dynamite na kasama din ang kaniyang mga kaibigan. Sabay din silang nag batiin ng magandang umaga kaya napatawa na lamang sila at nag tungo na sila sa may hardin para mag umagahan. Habang nakain sila hindi naiwasang itanong ni Dynamite kung paano nagka kilala sina Leo, Andrea at Dex.
"Nakilala namin ang isa't-isa sa school, college na kami noon, mag isa lang akong naka upo sa may canteen... nang biglang lumapit itong sina Dex at L-leo." Nahihiyang pag pagpapaliwanang ni Andrea at ngumiti lamang si Dynamite .
Dynamite's
Ang galing naman ng story nila. Naging mag bestfriend sila dahil sa mag-isa noon si Ate Andrea sa may canteen at nilapitan lamang siya nila Kuya Leo at Kuya Dex and boom ayon bestriend na sila.
Kami kase noon nila Ivana naging magkaibigan kami dahil lagi nila akong pinagtatanggol, lagi kase akong binubully ng mga feeling prinsesa sa school namin biruin mo college na kami pero mga immature pa din sila. Akala ko sa wattpad lang nangyayari yon, nangyayari din pala sa totoong buhay. Pero thankful ako kase nandoon sila palagi para saakin, mas matagal ng magkaibigan sina Ivana at Eliza kaya ganon. At hiling ko lang na walang sakitang mangyari saamin, dahil hindi ko kakayanin pag may nangyaring hindi maganda.
Matapos namin kumain nilibot na namin ang ang mansyon, grabe ang ganda punong-puno ng bulaklak dito tapos sa likod naman madaming puno at gulay mahilig pa naman ako sa gulay ang linis dito grabe wala kang makikitang mga plastik, mga papel, as in wala talaga. Simula ngayon hinahangaan ko na ang naglilinis dito napakasipag....
Siguro araw-araw sila naglilinis, biruin mo sa daming puno at malalaki pa ang mga ito, kakaunti lang makikita mong tuyong dahon na mga nahulog.
Habang naglilibot kami napunta kami sa may gate, ngayon ko lang napansin tatlong guwardiya pala ang nagbabantay at ang mga ibang bahay ay sobrang layo dito sa mansyon. Mataas din ang mga pader na nakaharang dito kaya hindi ka talaga makakalabas puwera nalang kung gagawa ka talaga ng paraan.
"Grabe naman dito para na din tayong nasa bahay ampunan hindi puwedeng lumabas, ano nalang gagawin natin dito? May malapit na park pa naman dito nakita ko kahapon nadaanan natin yon e. "
Oo nga tama si Eliza , ano nalang gagawin namin dito? Dalawang buwan kami ditong naka kulong.
"Hay nako! Bago sana kayo pumirma pinag-isipan niyo munang mabuti kayo talaga." -Kuya Leo
"Oo nga tama si bro kung nag-isip muna sana kayo ng mabuti. Bakit nga pala kayo nandito?" Ngayon si Kuya Dex naman nanermon.
"Tsk inulit mo pa yong sinabi ni Kuya Dex, magtatanong ka lang naman pala. At tska wala ka na doon noh, kung bakit kami nandito" pagtataray ni Eliza.
Ito talagang babaeng 'to.
"So ano tara na sa loob?" Pag-iiba ko ng usapan baka saan pa mapunta e. Kilala ko to si Eliza ayaw patalo.
Sa loob naman ng mansyon kami maglilibot gaya nga nang sabi nila bawat palapag may sampung kuwarto kahit sa unang palapag at ganon nga ang aming nakita. May bago kaming nalaman ngayon may isa pa palang bakanteng kuwarto nasa may bandang dulo ng pangalawang palapag.
Nagustuhan namin ang mansyong ito, kahit na hindi kami makakalabas kapag gusto namin. Maganda itong mansyong ito dahil para nadin 'tong hotel .
Sinabi ng mga nagbabantay dito ang may-ari daw ng mansyon ay nasa ibang bansa tatlong buwan nalang at babalik na sila dito. Limang taon kase ang kontrata ng mag-asawang Felicidad kaya naisipan nilang gawin nga itong paupahan kahit limang taon lang para kahit papaano raw ay may pakinabang padin ang mansyon.
Pero ang pinagtataka ko lang bakit naman ganito ang naisipan ng mag-asawang Felicidad?
Walo lang naman sila sa pamilya at tatlumpung kuwarto ang nandito?
Napakalaki nito para sa kanilang pamilya kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko ang simple lang 'yong sakto lang saaming pamilya at hindi kagaya dito, maganda itong mansyon pero nakakatakot tirahan parang isang lingon mo lang may makikita kang multo.
Tsk ano-ano tuloy naiisip ko....
_______________________________________
To be continued ~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...