D- 19

12 4 0
                                    

Dynamite's

Nakita ko ang katawan ni Joel puro saksak ang nangyari sa bandang dibdib niya at chinap-chop ang kaniyang mga daliri, hindi ako nandiri sa nakita ko  kundi awa, awang-awa ako sa nangyari sakaniya.

Samantalang sa mga nasugatan naman mga hiwa sa binti at braso ang tinamo nila, at lahat  ng 'yon ay titiyakin naming gagaling.

Kinausap at tinanong namin lahat ng nasugatan, at lahat sila iisa lang sinabi. Ang sinabi nila mga naka-itim ang mga gumawa non sa kanila mga lima silang naka itim noon.

May sumigaw daw ng tulong kaya umalis ang mga naka itim.  Ginanap lahat ng 'yon noong nasa sala sila at kami naman nila Kuya nasaktuhan na nasa mga sariling kuwarto namin kami.

Gabi na ngayon dito andito kaming dalawa ni Ate Andrea sa may kubo. Marami kaming pinag usapan  nilibang lang namin ang aming mga sarili .

Habang nag uusap kami nahagilap ng aking mata ang dalawang taong papunta sa likod ng mansyon kaya itinuro ko 'yon kay Ate Andrea.

"Tara Dy, tignan natin parang si France iyon ah." -Ate Andrea

"Tama ka Ate parang siya nga yon tara sundan natin sila." Yaya ko sa kaniya.

M

alapit na kami sa likod ng mansyon ng marinig namin ang nag-uusap.

"Hindi mo nagawa ang dapat mong gawin, wala kang kuwenta " rinig naming pasigaw na saad ng lalaki kaya agad kaming sumilip. Hindi nila kami kita, dahil madilim pero sa puwesto nila may kunting liwanag. Si France pala ang nagalit at sumigaw sa lalaki at ang lalaking sinigawan niya ay si Manong Guard.

"Ano gagawin ko dito, Boss Shane?" Tanong ni France, nong una hindi namin alam ni Ate kung sino 'yong sinsabing boss Shane dahil dalawa lang naman silang nakita namin. Pero laking gulat namin ng makita ang isang babaeng nasa fifty years old na, nanggaling siya sa pinakamadilim na parte ng likod ng mansyon.

"Tapusin mo na ang buhay n'yan hindi ko kailangan ng isang tatanga-tangang utusan." Kalmadong sabi ng babae.

"Sige Boss masusunod" -France

Gaya nga ng utos ng tinatawag niyang boss ay ginawa niya ito.

Sinaksak niya ang kanang dibdib ni manong guard na may ngisi sa labi, tinadiyakan niya ito upang mapahiga ito sa lupa, inapak-apakan niya at higit sa lahat tinanggal niya ang ulo ni manong guard at doon na tuluyang  umagos ang mga dugo. Ang pag ngisi ni France  ay nawala at napalitan ito ng nakakatakot na pagtawa at sinabayan naman ito ng tinatawag niyang boss. At hindi pa doon natapos ang kawalang hiyaan nilang ginawa, isinabit pa nila ang ulo ni manong sa kahoy.

Pagkatapos nila isabit ang ulo ni manong guard umalis na kaagad sila dumaan sila sa kabilang gilid ng mansyon. Aalis na sana kaming dalawa ni Ate Andrea ng laking gulat namin ng makita si Kuya Leo At Kuya Dex na nakasilip din sa likod ng mansyon at seryoso din ang kanilang mukha kagaya saamin.

"Nakita niyo din ba ang ginawa nila France  ?" Tanong ni Ate Andrea sa dalawa.

"Oo lahat nakita namin, noong wala kayo sa kubo hinanap namin kayo at saktong papunta na kayo dito kaya sinundan namin kayo." Pagpapaliwanag ng aking pinsan.

"Mabuti naman at nakita na mismo ng inyong mga mata kase sa totoo lang ang hirap mag paliwanag e." Sabi ko sa dalawa

"Tara na sa loob, matulog na tayo bukas na natin ito pag usapan ." Yaya ni Ate Andrea at umalis na nga kami doon.

Hanggang sa pag tulog hindi mawala sa isip ko lahat ng nakita ko, ngayon lang ako naka kita ng live na pinapatay. Buti nalang at nakayanan ko, buti nalang at hindi ako nakagawa ng ingay kanina.  Tama na muna 'to kailangan ko ng matulog para may lakas ako para bukas.

______________________________________
To be continued ~

Die  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon