Dynamite's
Wala pang dalawang minuto ay nandito na ang mga kasama namin. Pati ang mga ibang nakarenta dito sa mansyon. Nakiki-usisa sila sa nangyari.
"Anong nangyari?"
"May ginawa din ba ang killer sa kaniya? " Sunod-sunod na tanong ng iba pero hindi namin iyon sinagot at agad-agad binuhat ni Kuya Dex si Eliza at ipinunta saaming kuwarto. Nandito kaming lahat sa kuwarto naming tatlo, kinuwento na din nila Kuya na may nalalaman din si Kuya Dex. At ito kami hinihintay si Eliza na magising.
Dex's
Ano ba talaga ang nangyari? Ayan ang paulit-ulit na pumapasok saaking isipan. May kasalanan ba ako dito? Siguro kung hindi ko lang siya inasar, hindi siya agad aalis. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit gusto ko lagi siyang napipikon. Ewan ko ba parang sumasaya kase ako pag nakikitang nagagalit siya o napipikon.
"Bro, malalim ata iniisip mo? Maghintay ka lang malalaman mo din naman kung ano ba talaga ang nangyari."
"Wala lang 'to" tipid na sagot ko
Oo alam ko na malalaman ko din. Napakatalino talaga ng mokong na 'to pati iniisip ko alam niya.
"Eliza" pagka-banggit ni Dy ng Eliza ay agad akong napatingin kung nasaan si Eliza, masaya ako dahil gising na siya.
"Sa wakas gumising kana din akala ko gagayahin mo pa si sleeping beauty e" pang aasar ko sa kaniya at binato niya ako ng unan.
HAHAHA ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko inasar ko nanaman siya. At sa totoo lang wala pang isang oras ang tulog niya.
"Okay ka lang ba Elizabeth? May nararamdaman ka bang masakit? Ano ba nangyari sa'yo? Pagdating namin sa kusina wala ka ng malay." Sunod-sunod na tanong ni Dynamite, alam ko sobrang nag-aalala si Dy para sa kaibigan niya.
"Wait lang iku-kwento ko ang lahat-lahat " huminga muna siya ng malalim bago itinuloy ang kaniyang sasabihin, hindi ko pa man naririnig ang lahat-lahat ay masama na ang kutob ko dito.
" Pag alis ko kanina doon, wala si Ate Andrea dun diba? So ayon nga pag alis ko tapos ng makarating ako sa kusina para sana kumain na dahil nagugutom na talaga ako may nakita akong lalaki, naghuhugas ng kaniyang kamay. Naka talikod siya mula sa pwesto ko, noong una bigla siyang humarap saakin nakita ko ang bahid ng dugo sa kaniyang mga kamay at nagulat siya ng makita ako kaya tinignan niya ako ng masama kaya natakot ako. Naka mask siya at mata lang niya ang nakita ko, familiar 'yong mata niya hindi ako puwedeng magkamali, si France yon....kaya ang sunod na nangyari nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko na alam kung bakit ako nawalan ng malay, dahil siguro sa takot? Ewan ko lang " mahabang pagpa-paliwanag niya, sabi ko na nga ba kaya pala.
"Kaya pala masama ang kutob ko. Sabi na nga ba, yang dalawang Mix at France na yan ang may kagagawan ng lahat ng ito e." Galit na saad ko sa kanila.
"Kahit ako sila ang naiisip kong may kagagawan ng lahat ng ito. Sa kilos palang nila magtataka ka na talaga" tama si bro.
"Pare-parehas lang tayo. Sila ang pinag hihinalaan natin" biglang sabat ni Ivana.
"Sila lang naman ang weirdo kong kumilos e. At sa mga nakita na mga bahid na dugo, doon palang may ebedensiya na" patuloy pa ni Ivana.
Lumapit ako kay Eliza at kinausap siya humingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa kaniya, sinabi ko din na hindi ko maiwasang asarin siya. At ang mga kasama naman namin tinataasan ako ng kilay, anu-ano mga iniisip ng mga 'to.
"Wala na 'yon, hayaan mo na yon, thank you pala, nalaman ko na ikaw nag buhat saakin papunta dito. Nagmadali ka pa nga daw e. Ikaw ah may gusto ka saakin 'no?"
"Wag ka ngang assuming diyan. Kahit sino naman magma-madali pag nakita kang walang malay e. " Deretsahang sagot ko sa kaniya. Kay babaeng tao nakapa assuming. Ako may gusto sa kaniya? NO WAY!
"Oo nga Dexer may gusto ka sa kaniya noh? Indenial ka masyado." Pati ba naman si Andrea makikisali.
"Nako tigil-tigilan niyo ako...ako may gusto dyan sa payat na yan? Asa pa." Matapos ko sabihin 'yon nakita ko na lumungkot ang itsura ni Eliza. Hay nako, nakagawa nanaman ako ng mali. Kase naman e 'tong bunganga kong to walang ka preno-preno!
_______________________________________
To be continued ~
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...