Dynamite's
Loko talaga si Kuya Leo.
Ako maliligo?
Aba no way, ayoko mabinat! Naalala ko may napanaginipan ako, nahingi siya ng tulong. Sino kaya siya, kilala ko ba siya?
"Dy, wag ka daw maliligo baka mabinat ka sabi ng pinsan mo." -Andrea.
Buti naman at alam niya.
"Opo Ate, alam ko po kaya nga po hindi pa po ako naliligo."
"Hahaha loko si Leo e. " Ang cute niya tumawa.
"Hahaha ganon talaga yon Ate m"
"Kaya nga.. sige magpunas-punas ka nalang ng katawan mo tapos kung okay kana labas kana o kaya matulog ka nalang ulit." Ngumiti nalang ako bilang pag tugon att lumabas na siya.
Mauubos na mga damit ko hindi pa kami naglalaba. Makalabas na nga okay naman na ako e.
Paglabas ko palang sa kuwarto namin marami na akong nakitang nagsisi-alisan, lahat ng gamit nila dala na nila. Buti pa sila makaka-alis na sila dito.
Nasan na kaya mga kasama ko? Ano ba yan, pag hahanapin pako!
"Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap" nandito lang naman sila sa laging pinupuntahan ni Ate Andrea, sa tapat ng bintana namin.
"Ano ba Dynamite Chua, bakit nandito ka?"
"Dapat nagpapahinga ka don." Nag aalalang saad ni Eliza.
"Okay na ako Eliza, wala na akong sakit ano kaba."
"Bahala ka nga diyan." -Eliza
"Ilan nalang kaya tayong nandito?" -Ivana
"Oo nga noh. Sa dami ng umalis ngayon sigurado nasa trenta nalang tayo." -Kuya Dex
"Kaysa manghula kayo diyan, bakit hindi nalang natin tanungin" - Eliza
BINABASA MO ANG
Die [Completed]
Mystery / ThrillerTatlong magka-kaibigan na gusto lamang ng katahimikan at maging masaya, pero paano kung napadpad sila sa lugar na hindi malaman-laman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang lugar na 'yon? Oras ba na pumasok sila dito may kasiguraduhan pa ba na...