CHAPTER 31

2.6K 70 33
                                        


-
SHANNAH'S POV

Maaga akong nagising dahil sa dalawang bruha na nag uusap---nag aaway sa kung saan. Ano ba namang boses meron sila?! Argh! Ang ingay!

'Ikaw na kasi Zhiel!'

'Ih! Diba nakapasok ka na naman dyan?'

'Ayoko nga! Alam mo namang ayaw nya ng may pumapasok sa kwarto nya!'

'Oh knows!'

"WILL YOU SHUT THE FCK UP!?" TNGN. Yan na ba yung bulong?! The h!

Binuksan ko yung pinto at binigyan ng isang poker face yung dalawang bruhilda.

"What do you want" I said..coldly? Tss.

"Breakfast ready..." mahinang sabi ni Ann kaya padabog kong isinara yung pinto. Oo nga pala, monday na ngayon, at kasama parin namin yung mga unggoy.

Pag dating ko sa dining, kumpleto na sila, halatang ako nalang yung kulang. As usuall um-order sila. Ewan ko nga kung saan nila nakuha 'to.

"Good morning Ate Shan" bored na sabi ni Gray. Oo nga, kanina pa sila. "Kumain na tayo"

Ilang minuto lang ako kumain at nag ayos na ako for school. Pero, nahuli parin ata ako kasi nasa labas na silang lahat. Napailing nalang ako at binalingan ng tingin si Gray na nanunuod ng Insidious. Ewan ko ba dito sa batang 'to. Umagang umaga horror na talaga ang pinapanuod. Lumapit ako sakanya at tinapik ang balikat nya. Hinalikan naman nya ako sa pisngi. "Auh! Bye ate Shan! Hwaiting!" Ewan ko ba o sadyang nananadya ba talaga yang batang yan. Bwisit.

Lumabas na ako ng bahay at naabutan ang busangot na mga mukha ni Ann at Zhiel.

"Shan, wala daw yung kotse" malamyang sabi ni Zhiel. Tinanaw ko naman yung kotse, at wala nga yon. ----pati yung ibang kotse. Tanging yung van lang na dala nung tatlong unggoy ang nandon. Wtf?!

"Kinuha daw ni kuya Daryll lahat kasi kasama nya yung mga Teammate nya. As a camp master..."

Damn! Damn! Damn!

"Shannah! Sumabay nalang kaya kayo samin? Ano?" Si Lance. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang paglapit ni Ann at Zhiel kay Lance.
"Grabe! May utak ka pala?!"

"Hahaha! Meron talaga syang utak noh! Under observation nga lang! Natanggalan kasi ng isang turnilyo. Bwahahaha!!"

"Hoy kayong dalawa! Sinabi ko bang sumama kayo?! Hoy! Si Shannah lang! Si Shannah! S-H-A-N-N-AH!" Sigaw naman ni Lance. Ghad! Their voices is freak!

Nginitian ako ni Kyle at pinagbuksan ng pinto. "Tss" teka? Ako lang dapat nag sasabi non ah! Tss. Wala talagang originality 'tong mokong na 'to.

Sumakay na ako at hindi pinansin yung tatlong sira ang utak.

Pumasok na nang nag aaway yung tatlo. Aish! Ang sakit nila sa ulo!. Kahit nandito ako sa dulo, naririnig ko parin yung bangayan nila. Pati nga si Kyle nakisali na e. Masayahin din pala ang isang 'to. Hindi nga lang showy.

Hindi rin nagtagal yung biyahe namin at nakarating kami ng CAU.

Pumunta na kami sa kanya kanyang building. Uh? Si Ann lang pala yung nahiwalay kasi Tourism sya. Rmmbr?

"Shan! Zhiel! Mamaya sa lunch ah!"

"Tse! Umalis ka na wag ka ng babalik!" Sigaw naman ni Lance. Okay ito na naman sila.

"Ulul!"

Habang naglalakad kami, syempre, hindi mawawala yung mga mata ng fangirls nila. At mas lalong dumami pa dahil ang 'Prince Lance' nila ay nakiki pag away kay Zhiel. Yung iba nasigaw pa. Yung iba naman parang huhubaran na sa tigin nila yung tatlo. At yung iba, halos lumuwa na ang mga mata dahil siguro sa kasama namin ang The Big Three. The hell I care.

Casanova Prince meets Gangster Princess (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon