-
SHANNAH'S POVVery tiring day. Hmm. Pagkatapos ng party ay sinimulan ko nang bisitahin ang mga regalo na binigay saakin. Tss. Most of those shit are condos. But it's not around metro kaya nahirapan ako. Kung saan-saang lupalop nagkalat yung mga condo na binigay saakin. Pero hindi na hassle kasi may kotse na ako. Uh, how can I handle 100+ cars?.
"She's weird," I said, staring at the ring gave by the woman.
"Happy birthday, Angel."
Hearing those words from her giving me goosebumps. Angel. That name I used to hear from my--- No. Hindi pwede. Baka Angel lang talaga ang naitawag nya saakin. I don't jump into a freaking conclusions like that.
"Shannah, may naghahanap po sa'yo. "
Inilapag ko ang librong binabasa ko. This book from Kyle. Hindi naman talaga ako nagbabasa pero this book, weird.
"Uh, Shannah," lumingon ako sa tumawag saakin. Si Kyle. Kinakabahan? Siguro. Nagpapawis sya though, airconditioned 'tong mansion.
Tinignan ko sya. Just my normal look, emotionless. "Ah, ano. Kasi, ahm..." hindi sya makatingin nang diretso sa'kin kaya tumalikod ako. "Shannah wait!"
"Ano... pwedemobaakongsamahansapuntodngkuyako?!" Tinignan ko sya. May hidden talent pala ang isang 'to. Tss.
"Tss."
"Ahm, pwede... mo... ba... akong... samahan... sa... puntod... ng... kuya... ko...?" Pahina ng pahina ang boses nya pero narinig ko.
"Tss."
"Malapit lang naman!"
"Tss."
"Papasama lang ako kasi.... kasi... natatakot ako.. ayun! Natatakot akong pumunta!" Tss. Stupid reason.
Kinuha ko ang libro at ibinato ng malakas sa sofa. Sinigurado kong bumaon yun sa sofa bago ako lumabas ng mansion.
Hinabol naman ako ni Kyle at pinagbuksan ng pinto. He start to drive. Seryoso lang syang nagmamaneho at paminsan minsa'y tumitingin saakin. Awkward ng atmosphere. He didn't start a conversation until he stopped the car at the B.C Memorial Park.
Pinagbukasan nya ako ng pinto. Nauna syang pumasok sa memorial park at sinusundan ko lamang sya. Huminto sya sa isang parang maliit na chapel tapos may nakalagay na DE VILLA sa labas.
Pumasok sya sa loob at doon ko na nakita ang mga puntod. Most of it, ang apilyedo ay DE VILLA. Tapos sa gitna may dalawang puntod.
Cecilia F. De Villa
Carlos M. De Villa
'Yan ang mga pangalan ng puntod.
Pumunta si Kyle sa left side ng chapel, sa pinakadulo. Sinundan ko naman sya. Huminto sya sa isang puntod.
Christian Klein D. Gonzaga
February 23, 1992 - March 18, 1999"Kuya ko," he started a conversation. "Hmm, yung mga close friends ko lang nakakaalam neto. Namatay sya dahil sa car accident. And the year na namatay sya, pinanganak ako. Kaya I named after him." Tumungo sya. At alam kong ito na ang tamang panahon para magtanong.
"Bakit mo ginagawa 'to."
Tumingin sya saakin. "A-ano... kasi... uhm... pupunta talaga ako dito kaso... wala akong kasama... then na-naalala kita. Kaya inaya kita dito. And I think we're friends? Uhm, yeah." Friends? Tss.
"We're not friends. At sabi mo pa close friends mo lang ang nakakaalam nito. Explain why." Walang ganang sabi ko.
"Ah. Wala lang. Sige. Tara na. Nagpasama lang talaga ako dito. Salamat nga pala."
And that book says, 'There is one person who will come to your life, and change it for better.'
BRYLLE'S POV
Tsk! Bakit ko kasi hinayaang mapunta sakanya 'yon?!. Tss. Ibabalik ko pa naman sana kay Miss Brown Eyes 'yun eh!.
Ipinarada ko yung kotse ko sa gilid ng mansion nila. Pinagbuksan ako ng gate nung mga guards. Well, kilala na nila ako. And that is good news for me. Sana nga lang maging close na kami ni Shannah. Tsh! Yung babaeng yon talaga!!.
"Ahm, si Shannah?" Tanong ko sa isang maid. Tumingin naman sya sa kasamahan nya, "Naku! Wala po Ser! Umalis po kasama yung gwapong lalaki! Teka-- hindi ko matandaan yung pangalan eh!" Gwapong lalaki? Bukod sakin wala naman akong alam. "Ah, saan daw ang punta?" Tanong ko pa.
"Kung hindi ako nagkamali ng rinig... sa puntod daw? Hindi ko narinig ng maayos... Parang kinakabahan kasi yung lalaki kay Shannah." Napalunok ako ng sabihin nya yung puntod. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Hinanap ko ang picture ni Kyle sa gallery ko. Nang mahanap ko na ay ipinakita ko ito sa maid.
"Sya ba yung sinasabi nyo?" Tinignan naman ng maigi nung maid yung picture. "Ah... parang sya nga." Ibinulsa ko yung phone ko. Tss. Sinungaling yung maid. Hindi naman gwapo. Pero---- INAYA NYA SI SHANNAH.
SHT!
Really?
Umalis na ako sa mansion nila. Umuwi ako ng bahay thinking about 'that'. A memory of mine is blur but.... sigurado ako. He said it.
-
3 boys are playing.
"Wiiiii~~ here's the plane~~" the first boy swing the plane on the air. His name is Lance. He is the playful one. "This is mine! I like this." The second boy took the plane on Lance's hand. His name is Kyle.
"Kyle! That's mine! I like that toy!" Lance screamed. Brylle, the hard headed one smash the plane."You two like this toy? And you're fighting just for this?" He faced the two other boys. "What if you like just one girl? You'll fight for her just like you fight for this plane?" The two think of it.
"But... I like that first...."
"Lance, what if someday you'll like someone.. how did you say it to her?" Brylle smiled playfully. In the age of 5, he's so smart in that things.
"Uhm! I will say it to her! I will say I like her!" Lance smiled.
"Ahm... me... I think I will introduce her into my Kuya... because I wanted my Kuya to meet the one I like. That's for me! I think that's better if I say it to her."
"What about you Brylle?"
----
Gulat akong bumangon ng kama ko.
That dream....
I took my phone and dialed Kyle's number.
"Kyle,"
(Dre,)
"Si Shannah ba?"
(Oo.)
"Sigurado ka na dyan?"
(Oo.)
"Kailan mo sasabihin?"
(Hindi ko pa alam. At hindi ko pa sasabihin as of now.)
"Hmm. Alam na ni Lance?"
(Hindi pa. Malalaman nya din.)
"Siguraduhin mo Kyle. Mahirap magkamali. Si Shannah 'yon."
(Alam ko. Mas maganda na yon. Atleast kay Shannah, secured. )
"Siguraduhin mo lang. Sige, dre. Bye."
(Bye.)
Ang sama ng taste. Tsk.
BINABASA MO ANG
Casanova Prince meets Gangster Princess (On-going)
Teen FictionYou fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. ~princessz♡ CASANOVA PRINCE MEETS GANGSTER PRINCESS written by: dark_princessz07 (Czarina Pauline Dominguez) Start Date: September 3, 2016 End Date: Book Cover: @cold_ga...