Chapter 2
Iris' POV
"Sir! Di ko po alam." sabi ko kay sir K.
Kanina pa ko nandito sa Principal's office.Kanina ko pa din sinasabi ang totoo.Kaso nga lang...
Walang naniniwala.
Pinatawag na nga rin yung dalawang girl na nang-bully sa akin tapos pagkakita ko,muntikan ko na masabunutan. Pano ba naman,umiiyak,wala daw silang alam.
Kaya ayun,pinalabas agad.
Wow. Bitch mode on
Di ko naman talaga kasalanan yun eh.Porket may pagka-nerd ang fashion style ko di na sila naniniwala? Kapag ba pinalitan ko rin ng damit yung dalawang babae ng cheap clothes magbabago na rin ang idea ng principal namin?
Bakit ba iniisip ko pa yun? E wala naman na akong magagawa dahil nandito na ako,tinatawag ng detention card.
Ang tagal tagal kong iniingatan manatiling malinis ang record ko dito tapos madudumihan lang sa isang walang kwentang bagay na hindi naman ako ang gumawa! That's bulls***!
Pero kapag mga sopistikada ko nang mga kaklase.. Isa lang sasabihin nila:
'Sorry Miss blah blah,napagkamalan pa kita'
Medyo nanggigilid na luha ko. Hindi ko kasi akalain na aabot pa ako sa ganito.
"Oh. Bakit naluluha ka diyan? Ikaw pa may gana diyang umiyak!" sabi ng principal.
Kung kilala lang sana nila yung kinakampihan nila...
WHY SO UNFAIR! Ako na lang,ako na lang palagi. Ginagawa ko ang lahat ng tama pero ang laging nakikita ng iba ay yung mga mali. Para bang lagi nilang hinahanap yung mali sa mga tamang nagagawa mo.
May mga mata sila pero di nila ito ginagamit ng tama.
It hurts you know?
Give up na ko magpigil ng luha. Naiyak na ko ng tuluyan.
"Ma'am w-wala po t-talaga akong ginagawang *sob* masama,l-lagi lang po akong na-*sob*se-set up" pagtatanggol ko sa sarili ko.
Nerd na nga iyakin pa.
Iris naman! Panong di ka pagtutulungan niyan kung ganyan ka kahina?
"Ano ba Iris?! Hanggang anong oras ba tayo magtatagal dito? Aminin mo lang kasi ang kasalanan mo para matapos na to." sabi ni Principal.
"Tama sir,aaminin ko na lang ang maling di naman ako ang gumawa kasi alam ko naman pong kahit ilang beses kong sabihin na wala akong kasalanan wala akong magagawa diba? bakit pa ako lalaban."
Paano nila nasabing ako ang may pakana ng lahat kung wala naman silang proweba?
God,kayo na po ang bahala sa mga kaaway ko. I-lead niyo lang po ako sa tamang way. Huwag niyo po ako pababayaan. I prayed.
Sa ngayon na sumusuko na ako,ang tanging magagawa ko na lang ay ang magdasal.
Nagulat ako ng biglang tumayo sa kinauupuan niya si Sir K at ako naman nakatungo lang habang tinitignan ang mga daliri.
"Aba't sumasagot ka na ha! Yan ba ang tinuro sayo ng mga magulang mo? Mga walang respeto!" saka niya ko binatukan.
Tumingin ako sa kanya tapos tumayo. "Huwag mo idadamay ang pamilya ko!"
"Pinagtataasan mo na rin ako ng boses! You'll get double detention! Kapag naulit pa to,mapipilitan kaming paalisin ka kahit gaano ka pa kagaling sa academics!"
BINABASA MO ANG
Finally,you Notice me
Teen Fiction❤ Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin Magbabakasaling ika'y mapatingin ❤