♡ Chapter 24 ♡

196 4 0
                                    

I S H M A L L:

Kyaaaa! Malapit na siya matapos. T___T kaya sana subaybayan niyo ang nahuhuling araw ng aking paga-update sa istorya na ito. Pero salamat pa rin sa pagbibigay ng 1,000 reads guys sa first story ko kahit na 'di ako nakapunta sa concert ni Bruno Mars at ni Lee Min Ho. Okay,anong connect? Haha!

Kaya naman, vote,comment and share this story to your friends! ツ

∽♚∽

Iris' POV

Nilalabas ko sa plastic yung mga bagay na binili ko kanina. Karamihan dito ay binili ko sa NBS,'di ko rin napigilan na bumili ng wattpad books ng makita ko 'yon kanina. Hahaha! Paborito ko kasi talaga magbasa ng libro.

Bumili kasi ako ng scrapbook,pang-designs (pangdagdag disenyo lang) tapos meron pang colored pens at iba pa.

Obviously,plano kong bigyan siya ng scrapbook na may pictures ng memories namin bukod pa doon sa golden ring na infinity ang design na may pangalan namin.

Sinimulan ko na ang pag-gawa pagkatapos kong maghilamos  para agad akong matapos. Five p.m na rin kasi at baka mamaya ay pumunta pa dito sa kwarto si Zack.

Madami akong nilagay na pictures.Merong wacky,formal,poker face,jump shots at stolen shots din.

Natapos akong gumawa ng mga around 8 p.m. Tinignan ko ang kabuuan ng ginawa kong scrapbook.

Hm.. not bad but not so good. Pwede na!

Tok-tok!

Awtomatiko kong inilagay yung scrapbook sa ilalim ng unan ko at niligpit sa isang tabi yung mga ginamit kong pang-gawa.

"Babe? Anong ginagawa mo diyan? kain na tayo" ani Zack.

Inilugay ko ang kaninang naka-messy bond kong buhok kanina at saka sumagot "Wait babe,Nag-ayos ako ng kwarto" sabi ko saka pumunta sa tapat ng pintuan.

Inayos ko muna ang medyo gusot kong damit bago binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking malapad ang pagkaka-ngisi.

Sabay kaming bumaba at pumunta sa hapag-kainan. Hm,wala naman na akong napansing weird sa kanya.

Everything seems normal. Kumakain lang kami at nagku-kuwentuhan. Yun lang.

"babe,'di ako kaagad makakauwi bukas ha? may inihabilin kasi sa akin si Papa sa negosyo" aniya saka sumubo ulit ng pagkain.

Walang sinabing 'BAKA'. Kaya sure na hindi siya makakauwi kaagad.

Ang saya. Paano yung surprise ko?

╭(╯ε╰)╮ 

Lintek na negosyo 'yan,oh! Hay nako,bakit naman sa dinami-rami ng araw na may ipapagawa papa niya ay nasakto pang sa Valentines day!

"Babe?" napansin niya sigurong di ko siya sinagot. Why should I answer him anyway?hindi naman siya nagtatanong.

"Mga anong oras ka makakauwi?" tanong ko ng 'di tumitingin sa kanya.

"I think.. 10?" binitawan ko ang kutsara't tinidor ko. Nawalan ako bigla ng gana.

"H-hindi ba pwedeng ipagpaliban muna 'yang gagawin mo?" tanong ko saka tumingin sa kanya.

"N-no,ngayon lang humingi ng pabor si Papa kaya 'di ko matatanggihan,sorry" Nang matanggap ng tainga ko yung sinabi niya ay agad na akong dumiretso sa kwarto.

'Di ako naiinis sa kanya,sa papa niya o kahit sa negosyo nila. Namomroblema ako ngayon kaya ganun ako kumilos.

Paano ko niyan ibibigay sa kanya yung scrapbook? yung singsing? tapos nagpabili pa ako kay butler ng cake para din bukas.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon