♡ Feelings ♡

294 7 2
                                    

CHAPTER 7

Iris' POV

"Hi Dazzle!" sinalubong ko ng masayang ngiti si Dazzle.

Kahapon,pagkatapos namin kumain ni Zack ay umalis na rin kami. Pareho kasi naming hindi makayanan yung sakit.

At ngayon naman ay ininyayahan ako ni Dazzle na makipag-kilala ako sa kanya.Simple blue dress lang naman 'tong suot ko at nakapuson lang ang buhok ko.

(picture at the side -->)

Ang sabi niya ay hindi naman daw 'to date pero parang ganun na din kaya nga lang 'friendly date' at hindi 'couple's date'.

If I know,talagang gusto niya naman talagang makipag-date pero ayaw niyang malaman yun ni Nikki.Kahit kelan talaga,hindi na nag-seryoso 'tong si Dazzle Reyes sa isang babae.

Kaya nga kung minsan naitatanong ko sa sarili ko kung bakit ko pa siya nagustuhan.

Nakipag-holding hands sa akin si Dazzle pero agad ko naman itong tinanggal.

May isip pa rin naman ako,kahit sabihin na'tin na mahal ko siya ay hindi pa rin tamang traydorin ko si Nikki kahit di naman siya  sineseryoso ni Dazzle.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang naglalakad kami dito sa MOA.

"Kahit saan" di naman kase ako maarte pagdating sa pagkain e kung may karinderya nga lang dito sa MOA baka dun pa ako mag-suggest.

Tumigil kami sa isang restaurant na may pangalang 'Yakimix'

"Pasok na tayo?"

"A-ah s-sige" nauutal pa ko. Iba kasi talaga epekto ni Dazzle sa akin. Makita ko lang siya,bumibilis na ang tibok ng puso ko pano pa kapag nagsalita siya?

Pumasok na kami sa loob at...

"Woaaah!!" Naa-amaze talaga ako e

"Saran mo na yung bibig mo at baka may pumasok na langaw"

Ano daw?

Di mag- sink in sa utak ko yung sinabi niya sa sobrang amaze ko.

"Ha?" di ko talaga maprocess sa utak ko yung sinabi niya eh.

Sa halip na sumagot ay isinara niya ang bibig ko at dun ko nalaman ang sinasabi niya.

Ihh. Nakakahiya!

Maya-maya lang ay may lumapit na babae sa'min "Sir Reyes?" tanong nung babae sa kanya.

"Yes" sagot naman ni Dazzle sa kanya.

"Oh! special table number 3 sir,follow me" huh? special table? bakit di na lang sa ordinary.

Nagsimula ng maglakad yung babae at sinundan naman namin siya ni Dazzle habang naglalakad ay tinignan ko yung mga kumakain dito sa restaurant,kumikinang ang mga alahas nila at ang tataas ng kanilang sapatos.

Huminto yung babae sa isang pintuan na naging dahilan ng aking pagtataka.

Bakit papasok pa kami sa isa pang kwarto? sobra namang special!

Pinagbuksan kami nung babae ng pinto at nagsenyales ang kanyang kaliwang kamay na pumasok na kami.

Di pa man din kami nakakapasok ay biglang hinawakan ni Dazzle yung kamay ko na aking ikinagulat.

Dazzle's POV

Hinawakan ko ang kamay ni Iris at nakita kong nagulat siya pero kahit ako,nagulat rin ako sa ginawa ko.

Naglakad kami ni Iris papasok ng kwarto ng magkahawak pa rin ang aming kamay.

Ewan ko ba sa sarili ko basta ang alam ko,ang saya ko lalo na't hawak hawak ko ang kamay niya.

Yung special table talaga yung kakainan namin kase gusto ko ng date,as in friendly date.

Akma na niyang hihilahin ang upuan niya pero pinigilan ko siya at ako ang naghila ng upuan at pinaupo siya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ang gentleman ko pero nagtataka rin ako sa sarili ko mismo.

Dahil...

Hindi ako ito...

Ngayon lang ata ako naging magalang at gentleman sa babae,kahit kay Nikki na girlfriend ko ngayon ay hindi ko ginaganito.

Umupo na rin ako sa upuan ko at sa ilang sandali lang ay dumating na ang mga pagkain.

Hindi ako yung tipo ng lalaking tinatanong pa kung ano ang gustong kainin ng babae dahil alam kong sasabihin lang niya ay 'kahit ano' o kaya nama'y 'ikaw bahala' kaya naman nagorder na agad ako.

Nakita kong paikot ikot ang mga matang ni Iris na tumitingin sa dekorasyon ng kwarto namin.

Alam kong nama-mangha siya ngayon sa nakikita niya dahil ang kwarto namin ay puno ng dekorasyon at mga pailaw.Ang table naman namin ay may tatlong kandila sa gitna na pinaaliligiran ng mga red rose petals.

"Let's eat?" Alok ko sa kanya

"S-sige"

nagkukwentuhan kami habang kumakain. Ang gaan ng loob ko sa kanya,yung pakiramdam na siya lang ang gusto kong makasama.

Di ko lang alam kung pag-ibig ba ang matatawag dito dahil simula ng masuspend ang mahal ko sa Angel's University ay nakalimutan ko na ang pakiramdam ng pagmamahal.

"Hahahaha! tapos yung pinsan ko,nilagyan niya yung aquarium ng shampoo para daw habang nagsu-swimming yung isda,naliligo na rin siya! HAHAHA!" pagkuwento ni Iris.

"HAHAHAHA!!" Di ko na rin mapigilan ang pagtawa,yung tawa niya parang nakakahawa kaya pag tumatawa siya,napapatawa ka rin.

Habang tumatawa siya ay napatitig ako sa muka niya,namumukhaan ko siya sa babaeng kinahuhumalingan ko...

Ang paraan ng pagtawa niya...

Kung paano siya magkuwento...

At ang bawat galaw ng bibig niya ay kamukhang kamukha sa babaeng minahal ko.

"Oh bakit ganyan ka makatitig? may dumi ba ako sa muka ko?"

"Ay wala! hahaha.  Magkuwento ka pa!"

"Ikaw naman!"

Haay..Mamaya na nga makapag-emote Ano namang iku-kwento ko?

Hmm...

Ting! Bright idea!

"Alam mo ba? nung bata ako mahilig ako mangopya. Kaya nga lang,nakopya ko rin yung pangalan ng pinagkokopyahan ko!" pagkukwento ko sa kanya. Humagalpak siya ng tawa sa kinuwento ko. Maloko na talaga ako simula pa ng bata pa.

Napatitig nanaman ako sa muka niya.

Kamukha niya talaga si...

Marian Rivera.

Joke!

si Iris Mariano na kinahuhumalingan ko noon pa.Ang tinaguriang 'Queen of Nerds'.Kamukha niya at kapangalan niya pa.

Pero imposibleng siya yon.

Imposible.

***

A/N: Nagulat ba kayo sa nalaman niyooooooo? XD Please vote and comment and if you would like,share. ♡

Sorry for very short chapter!

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon